L-O-V-E 28 GLOW in the DARK

426 8 0
                                    

<Sophi'es POV>

^O^ 

Sige na. Siya na ang weird. Siya ang Alien. 

Pero, sobrang na amaze ako na naisip niya to. Promise.

Kaya pala dapat ioff ko ang ilaw kasi totoong mas maappreciate ko nga lahat to.

Yung bracelet ay glow in the dark pala pati na ang mini flashlight na yun. 

Grabe. Glow in the dark nga!!!! hahahaha... 

Nakakaloka naman ang mokong na yun. Sus! Ang sarap tirisin. Nag on na ako ng ilaw at pumunta sa kama ko. Tiningnan ko ulit yung mga binigay niya. 

Humanap talaga siya ng glow in the dark na bracelet at flashlight para ibigay saken para hindi na ako matakot sa dilim. Simpleng bagay lang naman pero nakakasarap sa pakiramdam. Si Nate lang at si Lee ang mga friends ko na hindi ako tinatakot o pinagtatawanan tungkol sa phobia ko sa madidilim na lugar, ngayon nandiyan pa si Alien na yun. 

"Yung pahahalagahan lahat ng pinahahalagahan mo at gugustuhin lahat sayo kahit na yung hindi kagusto gusto...

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Alien..

"Gusto kita kahit tanga ka.. Kahit stupid ka..!" 

Napasmile tuloy ako. AAAAAyy!!! ano ba to!! Lumalandi na talaga ako!! Dati ang pinakamalanding bagay na alam ko lang ay pangangarap ng gising tungkol kay Nate... ngayon, ito na. Mas malala pa. 

Nakakawindang talaga ang ganito. Raging hormones ang may kasalanan nito eh. Kinuha ko ang isang popsicle stick na binigay ni Alien saken at nilagay ko sa box ko kung saan nakatago ang mga popsicle sticks ko. Pinapahalagahan rin niya pati ang kababawan ko sa pagkucollect ng popsicle sticks. 

*ayeeeeeeeeeeeeeeeeeeee*

^_^ 

Alien talaga siya. 

*School

"hi Sophiaaaa!!!"

Sabay na sabi nung 4 little indians, hindi talaga sila indians pero wala lang. 

"Why are you alone? why hindi kayo sabay ni Prince Keizer?" - tanong nung isang malaking butterfly sa ulo. 

"OMO!!! Break na ba kayo???" - OA na reaction nung isang may malaking flower sa ulo

"Noooooo!!!" - sabi nung may dalang malaking bolpen.

"This is terrible.. The prince and the pauper broke up." sabi nung isa habang nagtatype sa iPAD nito. Nag aupdate ng echechus nito. 

"Aahh.. hindi naman. hindi kasi kami.. iisa ng bahay na inuuwian kaya hindi kami sabay sa pagpasok." sabi ko.

"Pow!"

"Weewww..! we thought you two broke up already."

"Negative! negative! The Prince and the pauper are still together forever. Hooray!" sabi nung isang may hawak ng iPad. 

"Haaaay salamat.."

"Omegasssshh!! let's think na kung anong name sa loveteam nila.." 

"Sigeeeeeeeee". excited na sabi nila at  umupo na sila at nag discuss.

(.___________.)

Grabe lang. Umagang umaga ha pero ang weird agad. May LOVE TEAM? 

AGAD?

Bilis. The Prince and the Pauper?? Ako yung Pauper?? Alangan naman ako yung Prince diba? Shunga talaga ako. AAAYY!! 3 Fingers up. Whatever. 

Tumuloy nako sa aming jungle este classroom at isang napakalaking HIMALa dahil busy silang lahat at nagchichismisan pero hindi ako ang topic. OOOYY ah!! hahahahaha.. 

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon