LOVE 48
<Sophie's POV>
"Mamaaaaaaaa!!!" sigaw ko mula sa loob ng kwarto ko.
Nalaman kong may dalawang araw sa buhay ng tao. Una ay yung araw kung san mag susuot ka ng maayos na damit, makakain ka ng masarap na pagkain at masaya ang lahat at ang pangalawa ay yung araw na sinusumpa mo dahil puno ng kamalasan ang mundo. At ang araw nato ay ang araw na ayaw ko. (=_=)
Mabilis pa alas kuwatro ang pagtakbo ni Mama papasok ng kwarto.
"May sunog ba anak? May bomba? Nadaganan ka ng invisible na elepante?? Anong nangyari.?? " so ano na? OA ang mama ko, alam ko.
"Mama? ang damit ko. SIRA ang Zipper!! Uwaaaaaaa!!!" kung bakit ba kasi may mga damit na masyadong mapanlinlang, pagbili ko ay sobrang okay at napakaperpekto tapos ngayong susuotin mo na, gutay gutay pala at ipapahiya ka. RAWR much.
O_O
"Napano yan?? Anong nangyari diyan?? Bakit ba ngayon lang yan nangyari???" natatarantang tanong ni mama at napuno rin ng tanong na wala rin akong maisagot.
"Ahmm..ma, nasira po ang zipper. Kita mo naman o...kahit isara ko, OPEN pa rin siya. Hindi niya alam ko ano ang CLOSE!!" naiiritang sabi ko. Napaka GOOD TIMING masyado eh, ngayong Birthday pa ni Tita Neri magloloko ang damit nato. AAAAAAY!! EWAN!
"Tahiin ko na lang kaya?? Or palitan ko ang zipper?" nag iisip na sabi ni mama.
"May extra zipper ka diyan ma?"
"Ahmm.. Hehehe..wala anak eh."
"Uwaaaaaaa!! PAno nato? Wala akong susuoting damit. Naka naman!!" parang maiiyak na ako.
Tapos ay may biglang bumusina pa, parehong lumaki ang mga mata namin ni Mama dahil yan na ang sundo namin. Pinasundo kami ni Alien dahi sinabihan ko siyang wag na kaming sunduin, napaka special naman namin kung papasundo kami sa kanya pero nag insist pa rin ang loko at pinasundo na lang kami sa driver nila.
"Teka... diba may dress kang black na bigay ni Tita Neri mo?" biglang sabi ni Mama.
Ay! Ang galing ng mama ko. Pwede na siguro yun. Ahuhuhuhu. Pwede na yun.
"Mama Mia!! You're the Best!!"
<Keizer's POV>
Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko dahil 30 minutes late na sina Sophie at Tita Beth. Dapat kasi ako na lang ang susundo eh, dapat kaninang 7:30pm pa yun nandito. Ano na nangyari sa mga yun?? Umiinit na ang ulo ko. aRRRghh!!
"Keizer.. wala pa ba sila?" tanong naman ni Mommy saken. Umiling ako. Lagot talaga saken ang Sophiang yun pag nagbago ang isip niya at naisipan niyang hindi na lang pupunta. Pero, hindi naman eh dahil pupunta talaga yun, patay gutom yun eh.
"Pinsan.. relax ka lang.. para kang natatae diyan. Chill Bro. Chiilll." isa patong Ares nato eh. Hindi ko alam basta kinakabahan na tuloy ako dahil mag ti 34 minutes na silang late.. 34 minutes and 36 seconds.. 37 seconds. Argh!!
"Pupuntahan ko na lang sila sa bahay nila!" desisyon ko at papasok na ako ng bahay pero napakunot ang noo ko nung natulala si Ares at hindi nag react sa sinabi ko, napatingin rin ang mga tao sa gate kaya napalingon na rin ako.
Dubdubdub
"There she is.." bulong ni Ares saken pero parang mahina ang pagkakasabi niya saken. Naramdaman kong tinapik nito ang braso ko pero hindi ko na inalala yun dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. There she really is, in her black dress, she looks beautiful. Damn Beautiful!! Kahit na magulo pa rin ang buhok nito ay ayos lang dahil gustung gusto ko. That glow in her eyes, at parang huminto ang mundo habang naglalakad ito palapit saken.

BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Teen FictionWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)