L-O-V-E 44 Stars

351 4 1
                                    

< Sophia's POV>

"Sophie..."

"Mmm"

"Sophie..." sabi nung yumuyugyog saken.

"mmmm.."

"Sophie..anak.. may gwapong lalaking naghihintay sayo sa baba.."

0_0

Biglang bangon kong ganun.

Kumunot ang noo ko at hinarap si mama.

"Ares raw ang pangalan.. sobraaaaang gwapo!! at malakas rin kumain." sabi ni mama na batid ko ang excitement sa boses niya.

Na excite siya kasi gwapo at malakas kumain, ibig sabihin bentang benta ang niluto niya. Ganyan yaaan.

Sumilip ako sa sala at niliitan ko lang ang pagbukas ng pinto pero... hindi ko napigilan ang pinto kaya bumukas ng bonggang bongga. Walangyang pintuaaaaaan to!!!

Napahinto si Ares sa pag kain at napatingin sa may pinto.

^O^ "SophieeeeeeeeeeeVEEE!!! Morning!!!" masiglang bati nito at..

Kumain ulit.

Wew! Nakalusot ako dun ah.. hahahaa.. buti na lang baliw si Ares at hindi napansin ang kayagitan ko. 

Tumuloy na ako sa banyo at naligo.

Bakit ba ang aaga ng mga lalaking to?? At bakit ba sa mismong loob ng bahay namin sila naghihintay? hindi ba sila pwedeng mag warning text muna na papunta na sila at para makapagprepare naman ako kahit konti? Hindi ba pwede yun? Ikakasakit ba ng damdamin nila yun?

Pagkatapos kong naligo ay naglagay na ako ng mga kaechosan sa katawan: lotion, pulbo at pabango kahit wala naman epekto dahil hindi ko naman naamoy ang sarili ko. Kainis. Nagbihis ako tapos ay bumaba.

O_O

"Kumakain ka pa rin hanggang ngayoon??" takang tanong ko dahil pag gising ko kanina kumakain na siya hanggang natapos ako sa pagligo and everything, ganun pa rin ginagawa niya. Magpinsan talaga sila ni ALien.

"Shhoppieve.. khainsh kHaa.." patay gutom na sabi ni ares.  

Tumingin ako kay mama na may tabinging ngiti na nakaplaster sa mukha ko pero siya ay sobrang laki ng ngiti. Pag nandito si Keizer sa bahay namin nagmumukhang bahay ampunan to at ngayong nandito rin si Ares ay ganun pa rin.

After ng mga limang dekadang pag kain ni Ares na mukhang nakailang ulit siya at mukhang may plano pa siyang magbaon ay sa wakas nakaalis na rin kami. Tiningnan ko siya nung naglalakad na kami.

"Ares? yung totoo? ang yayaman nyo pero bakit mukha kayong mga patay gutom kung kumain? Ganun din kasi si Alien eh.. "

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon