LOVE 52
< Sophie's POV>
"Good morning Bessy." masayang bati ko kay Lee na maayos na nakaupo dun sa chair niya.
Nandito na kami ngayon sa classroom at for the first time in the Philippine History, maayos na nakaupo si Lee.. hindi matamlay at hindi mukhang kulang sa tulog. Shaaax! Ako naman ay medyo masigla ( fake energy ) dahil pilit kong itataboy sa kukute ko na hindi pa maayos to. Kelangan kong magpaka optimistic at magpaka positive na maayos pato. MAayos to!!
Yata... Sana.
AW
._.
"Okay ka na?" nag aalalang tanong nito.
"Oo. Medyo..siguro.. kailangan ko lang bigyan ng isa o dalawang araw si Keizer tapos maayos na siguro. Alam mo na, kakausapin niya ako and everything. " nakangiting sabi ko pero shax lang dahil maski ako sa sarili ko hindi ako sigurado at kinakabahan ako. Kung ano man ang mangyari.. bahala na si Captain America.
Ilang sandali pa ay dumating na si Alien at diretso lang itong naglakad. Nakasunod ang tingin sa kanya ng mga kaklase namin. Hindi dahil ang gwapo siya kundi dahil iba ang aura nya. Ang gloomy niya kasi ngayon eh, lumipat ang tingin saken ng mga kaklase namin.
:-(
"First time nyo bang makakita ng tao at ganyan kayo makatingin??" biglang sabi ni Aika kaya naman biglang nagsibalikan sa ginagawa nila ang mga kaklase namin, hindi rin tumitingin saken si Aika at parang bumalik siya sa dating siya. Yung maldita at cannot be reach na AIKA. What the Efffff is Happening??
Nung nakaupo na si Keizer ay gustung gusto ko siyang kausapin pero hindi ko na lang muna ginawa. Give Him TIME. and space... joke lang. Astronaut naman masyado.
pero, pwede rin.
"Good morning." nakangiting sabi ko sa kanya at masakit mang sabihin pero hindi man lang siya nagsalita o hindi man ako tinapunan ng tingin.
Relax lang Sophia. Relax lang.
Nung dumating na ang teacher namin ay biglang tumayo si Keizer at pumunta sa harap. Kinausap niya ang teacher namin at nakita kong tumango naman ito tapos ay nagsalita.
"Mr. Estoque.. magpapalit kayo ng upuan ni Mr. Murillo."
Nagtinginan ang mga kaklase namin at ang iba ay hindi nakatiis na tumingin saken.
"Nag away ba sila?"
"LQ?"
"Baka break na."
Bulungan nila na siyempre narinig ko dahil SOBRANG HINA kasi ng mga BULONG na yun. >_<
"Ssh. Class.. kung hindi kayo tatahimik, magbibigay ako ng quiz." at tumahimik nga. Takot pala sa Quiz eh.
Pagkatapos kasi ng isang grading period ay nagpapalit ng arrangement kaya kung nung first day of school ay sa pinakahuling row kami, ngayon medyo hindi na. May isang linya pa sa likuran namin, tapos ngayon, nakikipagpalit si Keizer dun sa isang kaklase namin na nasa huling linya nakaupo.
So, anong iisipin ko? Ayaw nya akong katabi. Yun yun.
Ouch.
Nung lumipat na yung isang kaklase namin ay hindi ko na nilingon si Keizer. This is not good. Bumuntong hinga ako at naramdaman kong hinawakan ni Lee ang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya at ngumiti. Seryoso talaga to. Huhuhuhuhu. Ang arte ko pero masarap umiyak at ngumawa.
Nag pass ng papel si Lee na may nakasulat 'Kaya mo yan. :-)'.
Kaya ko.
Sa buong umaga ay lutang ang utak ko at mukhang magkaka stiff neck ako dahil straight lang ang ulo ko, hindi ako nag attempt na lumingon at ayaw ko na talagang lumingon dahil baka hindi ko rin magustuhan pag nakita kong wala na akong epekto sa kanya.

BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Teen FictionWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)