L-O-V-E 2 i <3 Coffee

744 10 0
                                    

 Chapter 2 

*Sophia's POV

"Hahahaha.. grabe best! ang ganda ng summer mo..hahahahha" si Lee

Laglag ang balikat at gusot ang mukhang tiningnan ko lang ang kasiyahang pinapakita ng aking kaibigan ngayon pagkatapos kong ikwento ang masaklap na dinanas ko sa kamay ng alien na yun.

"Nyaahahaha.. hindi ko alam kung iiyak ako o iiyak."  sabi pa ni Lee.

"Ha?  iiyak o iiyak? at nalito ka pa ha." takang tanong ko..Choices ba yun?

"Nalilito ako kung iiyak sa kakatawa o sa awa sayo eh. " sagot nito.

Aba't nang iinsulto ah. (>_____<)

"Wow! Salamat sa simpatiya bestfriend ha.. salamat talaga. Nakakatouch talaga na mukhang masaya ka ngayon after ng mga ikenwento ko sayo. Sobrang strong ng feeling ko na mabibigyan kita ng medalya sa mga susunod na araw dahil sa iyong pagiging mabuting kaibigan." naniningkit na sabi ko sa kanya. 

Gosht! bakit ko ba naging kaibigan to?!!! 

"Hahaha.. eh kakatawa naman kasi talaga bessy.. akalain mo yun. Nakakatawa talaga..ahahaha" sabi niya sa pagitan ng tawa. Nakahawak pa siya sa tiyan niya at medyo maluha luha pa. 

"Natatawa ka dahil natapunan ko siya ng maanghang na suka sa mukha?" hopeful kong tanong.

 "Siyempre hindi yun. Nakakatawa yung nahulog ka sa kanal..hahahaha."

Okay. She's hopeless.

"Tumigil ka nga sa kakatawa diyan. Kainin kita dyan eh.. san tayo kakain?" tanong ko para matapos na ang pang iinsulto niya saken.

Effective naman dahil umayos ito ng upo at naexcite pagkarinig ng word na 'KAKAIN'. Ang dahilan na naging kaibigan ko to ay dahil pareho kaming matakaw. 

"Dun tayo sa bagong coffee shop.. masarap dun." sabi niya

"Saan? at kelan pa tayo natutong magkape?" 

"Ngayon.!!" sagot nito.

"Lika naaaaaaa" pahbaol pa nito sabay kaladkad saken. 

Nakatayo kami ngayon sa labas ng isang Cute na coffee shop na may malaking pangalan sa taas 

'I <3 coffee'

Tiningnan ko ang sobrang nasisiyahang mukha ni LEE.

"Cute! pero hindi ako mahilig sa kape.. let's go. "sabi ko sabay talikod.. pero hinawakan ni Lee ang kamay ko.

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon