L-O-V-E 9 Foundation week

557 9 0
                                    

<Sophia's POV>

Napakawalang kwenta naman ng araw nato. Binigyan kami ng oras ng aming mga teachers para pag isipan kung ano ang gagawin namin para makalikom ng pera sa foundation day pero wala pa rin naman kaming naisip na magandang gawin dahil puro mga walang kwenta ang mga suggestion ng mga kaklase namin.

Hello! Ano ba naman kasi yung mga suggestions nila, sumayaw na nakacostume? anong bago dun?

May nag suggest pa ng FREE Hugs, engot talaga! PERA nga kailangan namin diba?? tapos FREE?? ano ba yan? Kinain ba ng mga zombies nag mga utak nila?

at ang pinaka highlight sa lahat ng suggestions ay ang suggestion ni Amanda na magbaballet raw siya siguradong magkakapera raw. Siyempre, walang pumayag dahil alam naming lahat na kahit pa mamanhid na ang mga binti niya sa kakasayaw eh wala pa rin manonood.

Yung ibang section yata magpapa battle of the Bands, yung iba naman magcocoffee shop at mga kung ano pang kaEchosan. Ay ewan! Buti nga nag bell na. Lumabas nako. Mag isa lang akong naglalakad ngayon kasi si Lee ay inaayos na mga papeles niya ulit. Si nate, ewan. Biglang susulpot sulpot yun.

"hoy!"

"Ay! multong bakla!"

"ANO??!" singhal ni ALIEN saken.

"Ay mali.. Multo lang pala.."

"Maniningil nako ng utang mo." sabi nito

O_O

"hoy! ikaw naman .. di kana majoke.. hindi ka multo uie." ^_^v

"Alam ko.. Pero maniningil pa rin ako."

"ee? pwede bang pag ipunan ko muna? " sabi ko baka lang makalusot.

"Kung mag iipon ka pa, malamang aabutan ka ng end of the world kaya mamadaliin ko na."

"Huh?"

ano? hindi pa napoprocess sa utak ko ang mga sinabi niya ng..

"Sophiaaaa.." ops.. Si Tita Neri? Sinusundo si Alien. WOW,. close na sila.

"Pumayag siya ma. Magsisimula na siya next week." sabi ni Alien.

huh? kumunot ang noo ko.

"talagaaaa... wow! Pinuntahan ko na rin ang mama mo sophie.. pumayag rin siya.. pero sabi niya sayo raw ang final decision.. ." sabi ni tita Neri? ANO?? 

"huh?" pumayag sino? pumayag sa ano? anyare?

"Hindi mo alam kung gano moko pinasaya hija.. utang ko lahat sayo to.."

"huh?"

o_O

"tatawagan ko ang mama mo para sabihin sa kanya ang magandang balita, wag kang mag alala hija.. hinding hindi kita pababayaan."

"huh?"

O_o

niyakap pako ni Tita Neri at tapos ay umalis na sila ni Keizer. Naiwan akong nakatanga. Shet lang, anong nangyari? ang bilis ng lahat. Pwede pakiExplain saken..?

itext nyo saken.. 091032000000000...

Pagdating ko ng bahay.

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon