<SOphie's POV>
Nandito ako ngayon sa i<3 coffee at nagmumuni muni tsaka kakain na rin.
Waaaaaaaaaaaaa!! Ano ba kasi talaga ang pinag iisip ko?? Ano ba kasi talaga?? Baliw na ba talaga ako??
*Flashback
"Kinakahiya mo ba ako?" tanong ni Alien saken at seryoso ang mukha.
"Ahmm.. ha?" tanong ko at tumingin tingin sa paligid kasi maraming nakatingin.
"Kinakahiya mo ba ako Sophia? Kinakahiya mo na tong relasyon natin?"
"H-Hindi naman eh.." sagot ko.
"Talaga? Bat iba yung pakiramdam ko? Bakit nararamdaman ko na nahihiya ka na malaman ng mga tao na tayo na? Nahihiya kang malaman ni Nathan na tayo na.."
"Hindi naman yun ang kinakahiya ko eh."
"So.. nahihiya ka nga..?"
"Ahmm.. hindi.. oo.. ay! ewan!" sabi.
"Narinig mo ba yung sabi ni Amanda kanina? Gold digger raw ako kasi lumalandi ako sayo.. hindi pa nga nila alam eh na tayo ganun na yung opinyon nila. Ano pa kung nalaman nila ??"
"Bat ba lage mo na lang iniisip kung ano sasabihin ng ibang tao? Sila ba dahilan kaya ka humihinga? Hindi naman diba?" sabi nito.
"Kasi naman.. Bakit ka kasi pinanganak na mayaman at gwapo.. "
"Ang babaw ng rason mo Sophie.. sobrang babaw.."
"Hindi naman yun mababaw...dahil yun naman ang nararamdaman ko.."
"Kausapin mo na lang ako kung kaya mo nang ipababa yang pride mo..." sabay alis.
Hindi ko na lang siya hinabol kasi wala namang magbabago. Ganun pa rin yung mararamdaman ko. Haaaaaayy!!
Haay!! Buong hapon ay hindi kami nag pansinan tapos nauna akong lumabas. Hindi ko alam pano ba to ayusin??? Pano ba??
end of Flashback.
Haaaaaaaaaaaaaaayy naku. Naiistress ako ti!!!
Dumating na order ko pero wala pa rin ako sa tamang huwisyo.
"Maam.. okay lang po ba kayo?" tanong nung babae saken, tiningnan ko siya.
Frannie.
"Arrgghh.. teka, diba ikaw yung nagsusulat ng mga quotes sa popsicle sticks?"
"Oo.. ako nga.. Sophia diba?" sabi nito saken, mukha naman siyang mabait. Weird ng alang siya. Ang ganda ng mata niya tsaka mukha naman siyang mayaman pero nagtatrabaho siya rito.
"Wow..! Bat mo alam ang pangalan ko???" amazed na tanong ko sa kanya.
"Dahil alam ko ang lahat..." mahiwagang sabi nito.
o_O
"creepy.."
"I know.." sabi ulit nito.
"Pero joke lang... sabi saken ni Mae...hehehe.." sabi nito .
BALIWAG.
"Ehh...? Baliw ka pala eh.." sabi ko.
"HAhahaha.. hindi naman... slight lang.." sabi nito at naupo na.
"Lovelife ba yang problema mo?" tanong nito saken na parang cloce na cloce kami at FC lang talaga masyado.
Amazing!
"Ahmm... hindi ko alam kung lovelife... pwedeng LIKElife muna?" sabi ko at tumawad pa ha.
"Eh kasi naman.. kung gusto mo lang, hindi ka naman mamomroblema ng ganyan eh.." sabi nito.

BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Teen FictionWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)