L-O-V-E 8 Relo

561 7 0
                                    

Pagkatapos ng maganda ngunit medyo masalimoot na trip namin sa Cebu ay back to where we belong na kami. Namiss ko rin naman si MAma kahit na OA naman ako sa pagkaenjoy dun sa Cebu. Ako na ang ipokrita.. ako na. Masaya ka na niyan?

Nasa gate nako ng bahay namin nang mapansin kong may kotse na naman, Shucks lang. Ang daming kotse na napapadaan dito sa pamamahay namin ah. Sino kaya ang bisita? (siyempre hindi ko alam, sheyt lang sumasagot ang utak ko.) Papasok nako ng gate at nakita kong bumukas ang pinto at mula dun ay lumabas si mama at si Tita Neri na mukhang sobrang sasaya ng mukha.. Anyare?

(≧∇≦)/

"maaaa! tita.. " sigaw ko (lage po talaga kong sumisigaw pag naeexcite) napatingin sina mama saken at lalong lumapad pa ng extrang lapad ang mga ngiti nila.

"sophieeee!! buti naman nandito ka na,, namiss kita anak,.." ewww.. naiiyak ang mama ko.. at niyakap pako..

"ma.. wag kanang umeemote jan dahil dinalhan kita ng dried mangoes, banana chips at lahat ng dried foods galing cebu..." nagmamalaking sabi ko, eh proud ako noh na may pasalubong ako sa kanya.

"nakakainggit naman ang closeness nyong dalawa.. " naluluha rin si Tita Neri.

Bestfriend nga sila..

"eh tita.. Pwede ka naman sumali eh"

"talaga?"

at nakisali na nga siya ng yakap. Pagkatapos naming mag MMK moment ay umalis na si Tita dahil malamang nandun na rin daw ang anak niyang maligno at balasubas.

"ma? mukhang masaya yata si Tita Neri ah.." sabi ko pagkapasok namin ni mama ng bahay.

"ay oo anak.. kasi medyo kinakausap na raw siya ni Keizer tapos may isang bagay talagang nagpasaya pa lalo sa tita mo.."

"ano po yun?" excited kong sabi.. May puso pa rin naman pala yung kumag na yun.

"Kasi, nung paalis na si Keizer papuntang Tour nyo.. humalik muna sa kanya at kitang kita raw ni Tita mo na suot ni Keizer yung relong binili niya para rito."

O_O

Relo??

"relo ma?"

"oo.. binili raw yun ng tita mo sa France.. at talagang may disenyong eiffel tower pa kasi sobrang hilig raw yun ni Keizer. nung nakita raw ni Tita Neri mo na suot yun ni Keizer eh sobrang sarap raw ng pakiramdam niya."

Jusko po! Yung relong yun??? yung 4M?

(>_<)>

"s- sa F-France ma? Mahal siguro yun no?" sabi ko, wala lang,, gusto lang talagang mas magdusa pa..!! gRR..

"siyempre naman.. mayayaman sila, alangan naman bumili yung Tita Neri mo ng pipitchugin."

O M G!!! Kaya siguro galit na galit yung Alien dahil bigay yun ng mama niya plus mahal plus sa france binili plus may Eiffel tower sa loob. Shucks! Pengeng Tali.. Magpapakamatay ako.. Pag nalaman ni mama na nabasag ko yun.. malamang, magagalit yun, pag nalaman ni Tita, malamang malulungkot yun at pag malulungkot si Tita Neri malamang magalit ulit si mama saken at malulungkot din si mama.!!

OH shucks!! Nag aanalyze na naman ako.

Tinext ko kay Lee ang nalaman ko.. ano ba gagawin ko? pano kung nagsumbong yung Alien? pano na? San ako kukuha ng 4M? Walang akong money tree o genie o fairy godmother para hingan ng pera...!! nakakamura naman ang sitwasyon nato..!!

tot tot.. nagreply na si LEE

From: LEE

Pag nalaman ng mama mo na nabasag mo yung relo, malamang, magagalit yun, pag nalaman ng mama ni Keizer, malamang malulungkot yun at pag malulungkot yun malamang magalit ang mama mo sayo at malulungkot din ang mama mo. San ka kukuha ng apat na milyong peysows?

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon