L-O-V-E 22 Trapped

432 7 0
                                    

<Sophia's POV>

Nandito ako sa gym ngayon dahil sasali sa try out yung alien na yun, alam nyo na lumalamon ng bola eh kaya hindi magpapahuli. At dahil nga sa napakagandang kapalaran ko ay nandito ako bilang julalay islash water girl islash assistant raw islash SECRETARY? ano to? isusulat ko kung ilang points and nagawa niya? kung san siya nagkulang? kung ilang fouls ang sinadya niyang gawin? travelling? free throws? tubig na nainom niya?

Argghhhh!!! ewan ko lang talaga sa Ares na yun. 

Ay! Bat napasok  si Ares sa usapan? 

WAAAAA.. Hindi pa nga kasi ako nakakarecover sa mga pinagsasabi ni Ares saken nung sabado night eh. Hanubanaman kasing sabihan ako na may gusto saken tung alien nato.. makakarecover ka kaya? 

"GOOOOOOO keizer go!" see? 

Ganyan siya kagwapo sa mga mata nila, try out pa lang to at may cheering squad na, hanu pa kung totoong game diba?? Naiimagine nyo ba? Ako kasi hindi eh. 

"O.. bat nakabusangot mukha mo?" 

O_O

"ahh.. Aika.. kaw pala.." 

Paalala: ang kausap ko ngayon ang weirdong si Aika. Akala ko dati, si Lee na ang pinakweirdong tao sa balat ng Sullivan Academy meron pa pala.. (para hindi kayo mabaliw sa kakaisip kung bakit ganito siya, read Dating the Coffee Prince. wagas ang plug.)

"Oo.. ako nga.. alangan naman ikaw." 

"Toinks.. Bat ka nga pala nandito? Hindi ka naman nanonood dati ng mga ganito ah." 

Ako rin naman. First ko naman nanood ng try outs no. Paki ko ba sa mga bolang yan. 

"Wala lang." sabi nito at tumingin sa court, specifically, kay Nathan. 

"Ahm.. Sophia? gaano mo kakilala si Nathan? " 

"Ahmm.. Kilala ko siya." anong sagot ba yun? 

"Ahhh.. alam ko. " 

"Ay alam mo naman pala.. bobels ka pala." 

"Ibig ko kasing sabihin kung gaano? iba naman sinagot mo eh." 

"hahahaha.. oo nga.. Ahmm.. hindi naman masyado.. ano.. klasmeyt ko siya since prep hanggang 1st year high school."

O_O

"whaaatt?? ganun na kayo katagal magkakilala?"

"ahmm.. oo.. kasi yung papa niya at papa ko, magkaibigan kaya friend rin kami,.. pero.. umalis kasi siya nung mag si 2nd year na kami tapos pagbalik niya.. hm... back to zero." 

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon