LOVE 54
<Sophie's POV>
Monday.
Ibig sabihin ay papasok na naman ako ng skwela at ibig sabihin ulit nun ay makikita ko na naman ang mukha ni Alien. Dapat masanay na ako sa ganito pero ewan ko ba, mahirap masyado. Waaaaahuhu.
Ayun nga at naglalakad ako ngayon sa corridor, tapos medyo lutang ang utak ko. Bakit pa laging lutang ang brain system ko? Hindi naman ako adik.
"Morning."
"Morning rin." sagot ko dun.
O_O
Paglingon ko sa kung sinong katabi ko ay si.... tooooot.
"Kinausap moko?" i can't believe but i have to. Kinausap ako ni Keizer.
"Hindi.. kausap ko sarili ko." pilosopong sagot nito at bakit niya ako pinapansin??
"Okay." sagot ko at patuloy na naglakad.
"Ballpen ko." sabi nito sabay lahad ng kamay nito na parang hinihingi na naman ang ballpen nito.
Anyare? Bakit ganito na naman siya? Biglang papansinin ako.
"Wala akong dala." sagot ko sa kanya at papasok na sana sa loob ng classroom pero pinigilan niya ako.
Tiningnan ko siya.
"Ano?"
"Sabi ko wala akong dala." nakakabingi na pala ngayon ang pagiging boyfriend ni Ej. Tss.
"Tapos? Kung wala kang dala? Ano ngayon? Pano na yung utang mo?"
"Malamang babayaran ko yun.. wag kang mag alala." Tss. Papansinin nga ako pero utang ko naman ang inisip. Letche talaga ang pagmumukha niya.
"Akin na lang ang ballpen mo, wala akong gagamitin." balewalang sabi nito saken at hindi alintanang pinagtitinginan na naman kami ng ibang estudyante. Tumingin ako sa kanya at kinuha ang ballpen ko tapos ay lumapit ako sa isang estudyante na timing na dumadaan sa tapat ng classroom namin.
"Excuse me Miss.. Pwede bang pakibigay mo to kay Keizer?" nakasmile na sabi ko dun sa babae.
Biglang nag heart shape ang mga mata niya at tumango.
"Thanks." nakangiting sabi ko dun sa babae na parang nag freeze at nakatingin lang kay Keizer with her heart shape eyes.
"Kayo na bahalang mag negotiate. Tska wag kang mag alala dahil dadalhin ko lahat ng ballpen mo bukas at ipapakain ko sayo." sabi ko kay Keizer at hindi ko na siya hinayaang magsalita dahil pumasok na ako sa classroom na mainit ang ULO!!!
Spell BADTRIP?? SPell IT!!!
Anong nakain nun at kinausap ako bigla? Tapos hihingi ng bolpen saken? Adik yata siya eh, pagkatapos niya akong pahirapan ng buong isang linggo at pasakitin ang lecheng main organ ng cardiovascular system ko ay bigla bigla na lang ganyan?? Lokohan talaga to. Lokohan to!! >_<
BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Teen FictionWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)