L-O-V-E 29 Ang BALLPEN

398 7 0
                                    

<Sophie's POV> 

Teka? Anong nangyari? Anong pinulot nino?Sinong sinisigawan ng alien nato? Bat siya naninigaw? Ang daming tanong pero makasagot ang utak ko. 

Tiningnan ko si Alien na pulang pula ang mukha, sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito. 

Isang kaklase kong babae ang may hawak na ballpen at parang takot na takot ang nakatayo dun. 

"Why did you pick that up?" tanong ulit ni Alien na medyo relax na. 

Nakakalito lang? 

"ahmm.. ka-kasi.. P-prince Keizer.. ano.. " takot na sabi nung kaklase namin. 

"Ibalik mo yan sa sahig.." sabi nito.

"Opo.." sabi nung babae at dali daling binitawan ang ballpen sabay takbo palabas na sinundan ng mga kaklase namin. Buti na lang uwian na. Tiningnan ko siya.

"Hoy! Bat ka naninigaw??"

"Pinulot niya kasi yung ballpen." 

"Anooo?? yun lang?? Kabawasan ba sa pagkatao mo na pinulot niya yung ballpen mo???"

"Sinabi ko ba??? Sa ayaw kong hinahawakan niya ang ballpen ko eh." 

"Tsss!! Dapat nga diba maappreciate mo pa?? Dahil nagmagandang loob yung tao na pulutin yang walang kwentang ballpen mo. Ayaw mo palang ipapulot yan, dapat nilagyan mo ng 'thou shall not pulot this' sticker ang ballpen mo." sabi ko at padabog na tumayo. 

"I don't need her good heart. Hindi ko naman siya inutusan na kunin niya yun. Pulutin mo ang ballpen." sabi nito.

Tiningnan ko siya.

"Diba ayaw mo pahawakan yan sa iba???"

"Kunin mo na yan.. Dali! Wag mokong sigawan." sabi ulit nito. 

Nakakainis!!!! Parang bata! Naninigaw dahil kinuha ang ballpen niya. Arrrghhh!! Kinuha ko ang ballpen niya at binigay sa kanya sabay talikod. Baboosssshh! 

Nauna na akong naglakad palabas ng classroom at kahit naririnig kong tinatawag niya ako ay hindi ako lumilingon. Magdusa ka diyan. Wala akong pakialam kung gwapo ka o mayaman ka o may utang ako sayo. Wala kang modo. Naninigaw ng babae???? Tsk. Walang manners. 

"Stuphieee..." sabi nito na alam kong nakasunod lang saken pero hindi ko nilingon.

"Stuphie stuphie stuphie..." makulit ang lahi o..

"Stuphie ... powwww.." sabi nito. Parang baliw. Kausapin mo sarili mo. 

"Hey stuphie.. " sabi nito at pinindot pindot ang braso ko. Ano to?? Button sa Elevator??? 

Nilingon ko siya.

"Ano ba??? Stuphie ka ng stuphie diyan,. hindi ko naman pangalan yan.." sabi ko na nakabusangot ang mukha.

"hindi mo naman pala pangalan bat ka lumingon?? owww.. feeler.." 

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon