L-O-V-E 47

351 4 0
                                    

LOVE 47

<Sophie's POV> 

"Bakit dito?" takang tanong ni Alien saken habang nakatingala sa signage na yun. Nakatayo kaming pareho sa harapan ng isang amusement park! Yey!

Alam kong ayaw niyang pumunta sa lugar nato pero there's no harm in trying diba?

"Alam mo namang ayaw ko dito diba? Alis na tayo." sabay talikod nito pero kinuha ko ang kamay niya at hinarap siya saken. Tiningnan ko siyang maigi.

"O ano?" nakasimangot na ang mukha nito. 

"Let's try." nakangiting sabi ko at tumingala ito tapos ay tiningnan ako.  

"Please..." puppy eyes mode na ako niyan ah.  

"Bakit ba kasi dinala moko dito?"  

"Malalaman mo pag nasa loob na tayo." at hinila ko na siya papasok sa loob.

"WWWWWOHHHH!!! Wahahaha!!! HaMazinggg!!!!Yirak!!!" malakas na sigaw ni Keizer habang nakataas ang dalawang kamay nito.  

"Mamaaaaaaaa!!! Ayoko naaaaa!!" sigaw ko naman at wala akong pakialam kung umiiyak na ako o sinisipon dahil sa takot. Roller Coaster ba ang tawag dito? Jusko! PArang alam ko na ang pakiramdam nung nag MegaQuake sa Japan, ganitong ganito siguro ang pakiramdam.  

"Alieeeeeeen.!! baba na TAYO!!"  

"Hindi pa pwede!!! " 

"TALon na tayo! Waaaaaaaaaaaaaaaa!!!"para akong isang lantern ngayon na nakabaliktad dahil biglang bumaliktad ang roller coaster. Bakit ko nga ulit naisipan to??? BAKIT?? WHY??  

Ahuhuhuhu.

(T_T)

(TOT)

Mamaaaaa!!!

"Argh.. ang sama ng pakiramdam ko." maputla at hinang hina ang pakiramdam na sabi ko samantalang si Keizer ay tawang tawa naman. Walangya talaga.

"Thank you sa support ha!! Ang saya2x mo lang talaga." at agad akong umupo sa isang bench. Wew. Hinding hindi na ako uulit sa roller coaster na yun talaga, parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa ride na yun. Pwedeng sa carousel (merry-go-round) na lang kami? Ahohoho. Bakit kasi dun pa.

"Hahahaha.. grabe!! Ikaw kasi tong nagyaya saken tapos ikaw pala ang hindi ready." ang saya naman niya, sana marealize niyang sinusumpa ko na ang roller coaster na yun.

"Ha ha ha.. hindi ko naman lubos akalain na pampalaglag ng laman loob pala ang ride na yun." tingnan motong sang to, siya ang ayaw pero sobrang enjoy niya naman. Nag Ferris Wheel pa kami at nag horror train bago kami umupo, buti na lang talaga hindi ako kumain ng marami dahil baka nailabas ko lang rin ng di oras, kawawa ang mga taong masasabuyan ng mga blessing galing saken. Wehehehe.

Tumingin lang saken si Alien at tumawa ulit.

"Sige lang...pagtawanan mo lang ako, atleast naman may pogi points ako kay San Pedro dahil may napasaya akong tao dahil ang putla2x ko." sarkastikong sabi ko at maluha luha pa rin itong tumatawa dahil naalala niya yata ang mukha ko habang sumisigaw ako. May rides ba dito na hindi nakakahilo?

Huminto na rin sa pagtawa si Alien at sumandal tapos ay nag crossed arms.

"Bili tayong ice cream yobab.." maputla pa rin ang mukhang sabi ko sa kanya. Lumingon ito sa paligid at nung nakita ang isang ice cream stand ay tumayo na.

"Ako na lang." nakangiti pa ring sabi nito at iniwan na nga ako.  

Tiningnan ko siya habang naglalakad, grabe ang dating ni Keizer, lahat yata ng tao sa paligid ay nakatingin sa kanya pag naglalakad siya. Mukhang masaya naman siya ngayon kaya mukhang ayos lang na ganito ang naging kapalaran ko sa kamay ng mga nakakahilong rides dito lalo na yung roller coaster na yun. Grrrr. Humanda saken yung roller coaster na yun talaga.

Spell Love (EXTREME EDITING MODE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon