Nathan over there.. ahohohohoho
=========================================================
Pagkatapos ng insidenteng yun dahil sa orange ay bumalik na kaming lahat sa hotel. Pagod na pagod kaming lahat pagbalik sa mga kwarto namin kaya naisipan naming magpahinga. Tulog to death ang ginawa namin. Nagising ako dahil may tumatawag sa cellphone ko,
"hello..." inaantok kong sabi..
Mga asungot nga naman, talagang hindi ako nawawalan nun.
"sophie?!! okay ka lang ba??! nasan ka ngayon?"
O_O N-A-T-H-A-N
Alam nyo yung bangon Zombie pero sobrang mas mabilis pa sa kidlat? ganun ang ginawa ko!!
"o nathan? nandito ako sa kwarto namin.,. okay lang naman ako.. bakit? dapat ba hindi ako OK?" tanong ko sa kanya.
"haaaay naku! ikaw talaga! pinag alala moko.. kita tayo sa resto, kain tayo.. " sabi nito.
AYEEE!! sobrang lakas ng tibok ng puso at at sobrang naiihi ako sa kilig.!
"sophie? nanjan ka pa ba?" rinig kong tanong ni NATHAN.
"ahh oo.. ligo lang ako tapos bababa nako..." sori naman nathan ha.. nagday dream lang ako sandali eh. ok lang?
"cgeee.. bye.. see you in a bit." sabi nito tapos ay nag off na!
AAAAAAAAAAAAhhh! grabe!! Humiga ako at parang uod na bihusan ng suka at asin.
Mas mabilis pa sa kabayo akong naligo at nag ayos ng sarili kahit alam kong walang effect at kahit alam kong magugulo rin naman ng buhok eh nagsuklay pa rin ako.
A for effort Sophia!
"Narinig ko muntik ka raw masagasaan kanina ah.. ano ba nangyari?" pambungad ni Nathan.
Napakagwapo nito ngayon. Naka plain white shirt at Shorts tapos naka rubber shoes. EEEHHH!! Pogi!
"Kasi.. tinulungan ko lang yung nagtitinda na pulutin yung mga oranges, napatid kasi ng mga bagets eh, tapos nandun na ako kaya tumulong nako.." explain ko sa kanya habang nakatanga siya saken.
"Ba't ka napunta dun? " tanong ni nathan na nakapamulsa at kaharap ko.
"Gusto ko kasi bumili ng orange eh.. mukha kasi silang masarap." nakalabing sagot ko.
"Yun lang? tsk2x.. kung gusto mo naman pala kumain ng orange sana nagsabi ka.. Kaw talaga.. Lika nga.." sabi nito sabay hawak sa kamay at iginiya ako papunta sa restaurant ng Hotel na yun. Mabuti na lang medyo matino ang suot ko.
Pumunta kami ng restaurant at nag order siya ng orange chicken, fruit salad tapos orange juice at orange na prutas.
AKALAIN mo yun?? Who could've guessed that??
"O ayan,, Libre ko sayo.. kung may gusto kang kainin.. sabihin mo lang.. kesa magpasagasa ka dun.. " sabi ni nathan saken sabay gulo ng buhok ko na tulad ng dating ginagawa nito.
ayeeeeeeeee..
tapos.. kumain na kaming dalawa.. at pagkatapos ay naisipan naming maglakadlakad sa beach. HEHEHE.
MOMENT to!
Wala lang.
Pwede ba kayong kumanta ng Lucky i'm in love with my bestfriend? hehehe..
"Bakit ka nawala Nate?" tanong ko sa kanya. Tumingala ako at tiningnan siya.
Matagal ko na gustong itanong yun sa kanya pero hinintay ko lang siya kusang magsalita at magsabi saken pero ngayon tinanong ko na lang kasi sobrang nakucurious talaga ako at mukhang wala pa siyang planong sabihin yun. Ibang Nathan kasi ang umalis, iba rin ang bumalik. Though, yung ugali niya pareho pa rin naman kaso ngayon may iba lang. Ang laki ng pinagbago niya, mula ulo hanggang paa. Tsaka, ibang kumpiyansa ang meron si Nathan ngayon, hindi tulad ng dating Nathan na sobrang mahiyain at sobrang lampa na binubully ng ibang kaklase nila. Dati siya ang nagtatanggol dito pag binubully ito. Ngayon parang kaya na nitong makipagsuntukan sa limang tao.

BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Ficção AdolescenteWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)