*School
<Sophia's POV>
Tsk2x. Ang laki ng eyebags ko. WAaaaaa!
Ano ba naman kasi ang mga pinag iisip ko?
Naglalakad ako ngayon sa hallway, hmmm.. pinag iisipan ko pa rin kung anong nangyayari saken. Siguro, dapat deadma ko na lang diba? Kasi.. wala lang naman siguro yun..? Kelan pa ba ako nagkaganito? Simula nung nagsmile siya? Arggh..
>_<
"Talaga?? hiniram ni Papa Keizer ang binder mo?"
"OO.. ayyeeeee.. kinilig nga ako eh kasi bigla lang siyang lumapit saken at hiniram ang binder ko sabay takbo.."
"wow girl.. ang ganda mo naman.. "
"oo nga.. ang swerte mo at nahawakan niya ang binder mo,"
Eh? Nahawakan lang ni Alien na yun ang binder para na silang mga kiti2x.. para binder lang eh.. ako nga nahawakan ko na bag nung alien na yun, wala lang naman effect.
Tsss..
"Pahawak naman ng binder mo para parang hawak ko na rin kamay ni Prince Keizer ko."
"Wag ka ngang epal jan.. akin na.." tsss.. ano ba tong mga babaeng to? Nag aagawan sa binder?
Tugsssh!
Araaay!!!
"Aray naman.. " hinawakan ko ang ulo ko na tinamaan ng kung ano. Tiningnan ko sa sahig kung ano yung nakatama saken.
Binder to ni Keizer ah. Pupulutin ko sana.
"Ops..! wag mong hawakan yan,. " sabi nung babae tsaka kinuha na ang binder nito sabay alis.
Teka? sa kanya ang binder na yun? Kay Alien yun eh.
?_?
"OO.. ayyeeeee.. kinilig nga ako eh kasi bigla lang siyang lumapit saken at hiniram ang binder ko sabay takbo.."
hiniram at tumakbo?
*lubdublubdublubdub*
hiniram ni alien ang binder tapos tumakbo papunta saken? kahapon kaya yun? bakit manghihiram siya ng binder? bakit sabi niya gamit niya yun?
hmmm...
Pagpasok ko ng classroom, wala pa siya pero nandun na si Aika at nagbabasa ng libro. Pagka upo ko.
"Hi Sophie.." ^_^
o_O
"Eeh. hii.." awkward face ako ngayon. Masayahin na naman si Aika. tsk2x..
"Narinig ko ang nangyari kahapon.. huwag mo na lang pansinin yang mga yan.. inggit lang sila sayo dahil friends mo mga pinsan ko." ^___^
eh?
"Ahh.. oo nga.. Ahm.. aika? musta ka yo ni Nate?"
namula ito at yumuko..
"Ahh.. ok naman.. friends kami.. hehe.." sabi nito na sobrang namumula na talaga.
Ahem.!
Ops.! si Alien dumating na. Tumingin lang siya saken at umupo. Tapos ay dumating ang teacher namin at may inanounce na mga gusto raw sumali sa basketball team ay pwedeng pumunta sa court para magparegister dahil naghahanap ng bagong player ang basketball team ng school. Ilang sandali pa ay may pumuntang teacher at hinanap si Alien, nandiyan raw ang pinsan nitong Ares at hinihintay siya sa conference room.
O_O
"omo!!"
"Ares is here again."
"My prince is here.. pinuntahan niya ko."
BINABASA MO ANG
Spell Love (EXTREME EDITING MODE)
Genç KurguWAG po MUNA Basahin DAHIL iniEDIT ko pa. :)