Leave

29 1 0
                                    

Nakarating na si Nathalie sa hotel, patuloy pa din ang pag iyak niya. Naglock sya sa kwarto nila, sinundan siya ni Joshua pero hindi na sya pinapasok nito. Dumiretso na lang ito sa restaurant ng hotel at naupo sa may bar. Habang umiinom sya hindi niya mapigilang maiyak sa pangyayari.

Si Victor naman ay agad ding umalis ng Laguna ng gabi ding iyon. Hindi na sya sinundan ni Kelly dahil patuloy ang pag iyak nito sa rooftop.

____________________________________________________________

Kinabukasan,

napahawak si Joshua sa noo dahil sa hangover niya. Dahan dahan syang naupo at nakita na nagkakape sina Leo at Frances buti na lang at nakita sya nito at nilapitan.

"Sir,Okay na kayo?" tanong sa kanya ni Leo

"bakit ako nandito?"

"ah sir, lasing na lasing kasi kayo kagabi eh kaya dinala ka namin dito. Sya nga po pala sir, ngayon nga pala yung presentation natin. Ready na po ba kayo?"

"ah, sige. Anong oras na ba?"

"6 AM na po, mamayang 10 AM po yung presentation."

"sige, balik na ko sa room ko, salamat!"

lumabas na sya ng kwarto ni Leo at bumalik sa kwarto nila. Nagulat sya ng hindi na naka-lock ang kwarto nila, pagbukas niya nakita niyang naka-bihis na si Nathalie.

"aalis na ko. Magkita na lang tayo pagtapos kong manganak."

"pero!"

"sabi sa akin ni daddy na pupunta sila dito pero sinabi ko na uuwi na ko dahil masama yung pakiramdam ko. Ayokong guluhin mo ko sa loob ng siyam na buwan baka makaapekto pa sa baby natin."

tumayo na ito at hinayaang maka alis. Napa upo na lang si Joshua sa kama at hindi mapigilang umiyak. Makalipas ang ilang oras, napatingin sya sa orasan at ilang minuto na lang ay kailangan na nilang magpresent. Tumayo sya dahil may kumakatok sa pintuan, pagbukas niya si Kelly ito.

"anong ginagawa mo dito?" sabay talikod sa kanya

"bakit hindi ka pa naghahanda? thirty minutes na lang oh,"

"ayoko ng magpresent, ayokong magpakita sa daddy ni Nathalie."

"pero pano yung presentation?"

"bahala na kayo."

pumasok na ito sa banyo para maligo, si Kelly naman ay hinanda ang mga damit nito at umalis ng kwarto nito. Pagtapos ni Joshua ay nagulat siya dahil nakahanda na ang mga damit niya, wala na syang nagawa kundi suotin ang mga ito at pumunta sa presentation nila.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon