Am I dreaming?

33 2 0
                                    

Naiilang na lumabas banyo si Nathalie at hindi niya alam kung pano niya tatakpan ang sarili niya dahil sa bikining suot niya. One piece lang naman ang suot niya pero halos hirap na hirap sya.

"wow Nathalie ang ganda mo, matutuwa niya si Joshua for sure, tara na."

hinawakan sya sa kamay ng ate niya at sumama na parang batang nahihiya. Bago sila magpakita sa kanila sinenyasan ni Natasha si Nadine na paalisin ito at iwan si Joshua. Nagandahan ata sa view si Joshua at malalim ang iniisip kaya hindi niya namalayan na iniwan na sya ng mga kasama niya. Si Natasha naman nagdahilan sa kapatid para maiwan niya ito.

"asan na sila Bryan? teka lang Nathalie, hahanapin ko lang sila" paalam nito.

hindi pa man sya tapos magsalita ay umalis na ito at iniwan sya, tumitingin tingin sya sa paligid niya at wala namang nakatingin sa kanya kaya hindi na sya nahiya, nakita niya si Joshua at tila malalim ang iniisip nito. Nakayuko syang lumapit dito at hinila ang laylayan ng tshirt nito.

Nagulat sa kanya ito dahil for the first time nakita niya itong nakapambabae at naka-bikini pa, naalala niya ang panaginip niya. Napangisi ito sa dahil sa naisip niya.

"brad! peram nga ng damit mo, nakakahiya yung damit ko eh." bulong ni Nathalie sa kanya

"wag na, sexy ka naman eh,"

"joke ba yun? sira! pangit pangit ng katawan ko eh. dali na!"

bigla itong naghubad ng tshirt sa harap niya at binuhat siya sabay takbo papunta sa gitna ng dagat. Hindi maiwasang hindi sumigaw ni Nathalie sa ginagawa nito sa kanya. Habang nagbabasaan sila pinapanuod sila ng mga kapatid nila at kinikilig.

Maya maya umahon muna sila at nahiga sa buhangin, si Nathalie, nilagyan ng buhangin ang katawan ni Joshua,

"oi!" pagprotesta nito

pero tinawanan lang siya nito kaya naghiganti ito at bigla niya itong niyakap at nagpagulong gulong sa buhangin

"ayoko na!" sigaw ni Nathalie

"may buhangin ka na din!"

nang mabalot sila ng buhangin ay tumayo na sila at naghanap ng shower,

"mauna ka na, nakakahiya naman sa akin eh." sabi ni Nathalie

" hindi, ikaw na,"

"ikaw na nga!"

"ikaw na!"

"ikaw na!"

"ikaw na nga! hahalikan kita!"

"whoah! subukan mo! susuntukin kita!"

nagshower na si Nathalie at nakatingin lang sa kanya si Joshua habang naliligo siya. Nag init ang pakiramdam niya at bumilis ang tibok ng puso niya habang tinitignan niya si Nathalie muka ulo hanggang paa kaya tumalikod sya at tumingin tingin sa mga dumaan. Tinawag sya nito at umalis dun para sya naman ang makagamit. Pagtapos nila dun ay bumalik na sila sa resthouse dahil dinner na.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon