No more second Chances

29 1 0
                                    

Sumapit na ang lunch break, naisipan ni Kelly na sya na ang sumundo kay Joshua sa office nito. Madali niyang inayos ang mga papeles sa table niya at nagpunta na sa office ni Joshua. Pagbukas ng pinto ay nakita niya itong nakayuko at seryosong seryoso sa ginagawa niya. Tinapik niya ang table nito at ngumiti.

"Lunch na po Mr. Garcia."

Napatingin ito sa kanya at ngumiti. Binitawan na din nito ang ballpen niya at tumayo. Lumabas na sila ng office pero bago yun dumaan muna sya sa office ng father-in-law niya. Pagpasok niya nakita niya ang daddy niya na masayang kumakain.

"ah, daddy maglulunch na po ako."

"hindi ka ba sasabay sa amin ng daddy mo?"

"hindi na po, sabay po kami ng kaibigan ko,"

"sige, ingat ka."

"opo."

sinara na nya ang pinto at umalis na sila ni Kelly. Kumain lang sila sa restaurant malapit sa office nila. Pagdating dun, tinawag na nila ang waiter at umorder. Pag alis ng waiter nagsimula na silang mag usap.

"so, kelan ka pa kinasal?"

"last week lang,"

"really? kamusta naman ang buhay may asawa?"

"okay naman, nag aadjust pa kami pareho."

"siguro naman ay tumino ka na ngayong may asawa ka na,"

tumingin ito sa kanya at bahagyang ngumiti pero nakita naman ni Kelly ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon nito.

"sorry, by the way, anong dahilan bakit mo sya pinakasalan?"

"fixed marriage."

"do you love her?"

tinignan sya nito na tila nagtataka sa sinabi niya.

"well, we're trying to work things out. She wants to give it a try kaya pumayag na ko. Siya naman ang nagsabi na wala namang mawawala."

"oh, okay."

"why? tingin mo, meron pa kong feeling sa iyo?"

bago sya sumagot dumating na ang pagkain nila.

"I think so,"

"Kelly, Iba na ang sitwasyon ngayon, kasal na ko. It's been ten years since iniwan mo ko, ano pa bang gusto mong mangyari? intayin kita?"

"yes, dahil yun ang sinabi mo sa akin dati. Umasa ako dun,"

"nakakapagod din mag-antay sa taong hindi mo alam kung mahal ka pa o hindi na."

tumingin lang ito sa kanya pero nagpatuloy din sa pagkain. Kumain lang sila pareho ng tahimik. Maya maya biglang nagring ang phone ni Joshua

"hello?"

"Sweetie?"

"Yes sweetie," sabay tingin kay Kelly dahil nakatingin ito sa kanya at nakikinig.

"kumain ka na?"

"yes, medyo nabobored na ko dito. Pwede ba akong magpunta dyan?"

"sure, kita na lang tayo dito restaurant malapit sa office."

"oh, sige. magtataxi na lang ako, gamit mo yung kotse eh."

"bye, I love you."

"Love yah too!"

binaba na nito ang phone at nagpatuloy sa pagkain.

"Magkikita ba kayo ni Nathalie?"

"Yes, kung tapos ka na mauna ka na."

"No, I'll stay. Didn't you know that she confronted me while we were in Bora?"

"She just want to protect our marriage, wag mo sanang masamain."

bigla niyang hinawakan ang kamay ni Joshua

"Let's start again,"

bigla namang dumating si Nathalie at tila napatigil sa paglapit sa table nila.

"Huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa asawa mo."

nagulat si Kelly sa narinig niya, panigurado si Nathalie yun. Nilingon nila ito pareho at agad na hinawi ni Joshua ang kamay ni Kelly, lumapit sya kay Nathalie.

"hindi pa ba malinaw sa iyo ang pinag usapan natin before? o baka sadyang tanga ka lang para hindi maintindihan yun?"

nagsimula na silang pagtinginan, nakaramdam ng pagkahiya si Kelly dahil karamihan ng kumakain dun ay nagtatrabaho sa kompanya nila Nathalie. Tinignan sila ni Nathalie at ang ilan ay umiwas ng tingin sa kanya.

"hindi ka ba nahihiya sa ibang empleyado? ginagalang ka nila pero ginagawa mong kabastus bastos ang sarili mo dahil sinisimulan mo ng bawiin ulit ang asawa ko. Mahiya ka naman,"

pagtapos nun ay hinila ni Nathalie ang asawa niya palabas ng restaurant. Paglabas nila agad silang sumakay ng kotse at bumalik sa kompanya. Habang nagdidrive hindi maiwasang mainis ni Nathalie

"sorry, alam kng kakabati lang natin kanina, hindi na dapat akong sumama sa kanya."

"no, it's okay. Gusto ka lang niya talagang bawiin sa akin."

"huwag kang mag-alala sinabi ko sa kanya na kasal na ko at hindi niya na kailangang umasa."

dahil sa sinabi ni Joshua natuwa sa kanya si Nathalie dahil ngayon pinaglalaban na nito ang marriage nila. Samantala si Kelly naman, mahihiya hiyang umalis ng restaurant at bumalik ng office nila.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon