Tears of the bride

36 2 0
                                    

-----Reception-----

Habang kumakain ang dalawa bigla silang tinawag ng MC para sa sayaw nila, nagkatinginan muna sila pero tumayo din naman at nagsayaw sa gitna, habang nagsasayaw nag uusap sila

"alam mo, ang soft ng lips mo kanina,"

"ikaw talaga!"

"tapos ang sarap pa ng lipstick mo kaya ang sarap mong halikan kanina"

"pwede tigilan mo na ang pagpapantasya mo sa akin? pwede?"

"sige na nga, pero alam mo makikita ko na ang mga hindi dapat makita dahil ngayon ako na ang asawa mo!"

kinurot sya ni Nathalie sa may batok at napangiti lang ito sa kanya.

"ewan ko sayo! hindi kita ipagluluto, ipaglalaba, ipagpaplantsa! kahit ano! next week makikipagdivorce na agad ako sayo!"

"talaga lang ah? sige lang, hindi ka kagad makakatakas sa akin!"

"lalabanan kita!"

lumapit sa kanila ang daddy ni Nathalie para isayaw sya nito. Binigay na ni Joshua ang kamay nito at bumalik sa pwesto upang panuorin ang pagsasayaw nila.

"anak,"

"daddy,"

"ang ganda ganda naman ng anak ko,"

"thank you po,"

"alam mo, nung bata ka, ang hilig hilig mong humarap sa salamin at dun ka sumasayaw, tuwang tuwa kami ng mommy mo sayo a lagi kang nakaakap at nakakiss kahit na kakagsing mo pa lang pero nung lumaki ka na halos lumayo na ang loob mo sa amin medyo nagtampo lang ako dahil hindi ko na makausap ang little angel ko."

nakita niya ang pagtulo ng luha ni Nathalie at agd niyang pinunasanan ang mga luha niya.

"pasensya na at naging mahigpit ako sayo, alam mo pinabilib mo ko nitong mga nakalipas na araw dahil kahit nagagalit ka sa amin sinusunod mo pa rin kami, hindi mo kami tinalikuran."

"sorry po daddy kung naglayas po ako ng ilang araw, tsaka po nung tumakas ako nung dinner natin nung anniversary ni ate. Basta babae po ako daddy, lalaki lang po talaga ako magbihis."

"naiintindihan ko anak, madalas sabihin yan sa akin ng mommy mo. Hindi dapat kita hinusgahan sa panlabas mong anyo, natakot lang ako na baka matuluyan ka na maging tomboy."

Pinunasan ulit ng daddy ang mga luha niya at ngumiti sa kanya, pagtapos nun hinatid na sya pabalik ng daddy niya para makaupo na sya, pag upo niya nagulat sa kanya si Joshua at pinahiram sya ng panyo, napakapit sa braso niya si Nathalie at pinatong ang ulo niya sa balikat nito. Kinilig naman ang mga nakatingin sa kanila akala super sweet nila.

"pinaiyak ako ng tatay ko."

"halata nga, sige iiyak mo lang yan,"

"pwede wag dito nakakahiya eh, samahan mo ko dun sa labas."

Tumayo na sila dahil magsisimula na ang party nila, inalalayan siya ni Joshua habang paalis sila. Pagdating sa labas hindi pa din bumibitaw sa kanya si Nathalie.Hindi na mapigilan ni Nathalie ang pag iyak at napaakap na lang ito kay Joshua na ikinagulat naman nito. Habang umiiyak si Nathalie at nakaramdam siya ng tuwa at nagwish na sana ganun sila parati ni Nathalie. Sweet. Kinantahan niya ito habang akap akap siya. Napatigil sa Nathalie sa pag iyak at tinignan sya.

"singer ka ba?" tanong nito sa kanya.

"huh? hindi ah! natural lang yan! na amaze ka no?"

"tumigil na sa pagtulo yung luha nung marinig ko yung boses mo eh,"

"mala-anghel ba ang ganda ng aking boses?"

"che! tara inom na lang tayo sa loob! pero konti lang ah?"

"sure,"

hinawakan siya ni Joshua at tila wala na syang pake kung magholding hands pa sila, nasanay na kasi sya dito simula kaninang umaga. Pumasok na sila sa loob at nagpaayos ulit si Nathalie dahil halos nabura na ang make up niya. Nilapitan din nila ang mga kabigan nila at nakipagkamustahan. Ayun, sumapit na ang hapon at natapos na ang kasal. Official na Garcia na si Nathalie. Mag-asawa na sila at titira na sila sa isang bubong. Sana ay maging maganda kanilang samahan.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon