Deal or No deal?

63 2 0
                                    

Umaga na at naka-ugalian na ng lalaking ito na tumayo sa pintuan kapag umaga. Siya si Joshua, isang badboy, mahigit isang buwan na syang nakatira dito dahil sa alitan nila ng mga magulang niya. Pagtingin niya sa kaliwa nakita niya ang isang ulong tao kaya agad niyang nilapitan ito at tinignan kung sino ito. Ito ang babaeng nagmamaka-awa sa kanya kagabi, pinagmasdan niya muna ito bago buhatin.

"maganda pala sya, matangos ang ilong, mapula yung labi at mahaba ang kanyang pilik-mata, mukha syang anghel!" sabi nito sa sarili niya.

nakita niyang gumalawa ito kaya agad niya itong binuhat at dinala sa loob, naramdaman niyang mainit ito at nilalagnat kaya pinahiga niya ito sa sofa at naghanda ng bimpo at tubig. Habang pinupunasan niya ito napa-isip sya kung bakit ito nagkasakit, umulan pala kagabi hindi niya napansin na nasa labas ito, iniwan niya na lang ang bimpo sa noo nito at hinayaang matulog. Makalipas ang isang oras nagising na ito, nakita niyang nasa tabi niya si Joshua at nagbabasa ng dyaryo, naupo sya at nakaramdam ng pagkahilo pero pinilit noya pa ding kausapin ito.

"pasensya ka na kagabi, ako nga pala si Nathalie" pakilala nito sa kanya habang nilahad nito ang kamay niya para makipag hand shake.

"Joshua," sabay abot ng kamay at kinapa sya sa pisngi para tignan kung may lagnat pa sya.

"medyo mainit ka pa ah?"

tatayo na sana si Nathalie pero bigla syang napaupo dahil nahihilo pa ito pero nasalo naman siya ni Joshua dahil hinawakan sya nito sa kamay.

"wag ka ng umalis baka mabinat ka lang. dito ka na lang." sabi nito sa kanya habang pinapaupo sya nito

"talaga? maraming salamat talaga."

"may kapalit ang pagtulong ko sayo."

"sige, ano yun?"

"magnakaw ka ng pagkain."

nagulat si Nathalie sa sinabi ni Joshua.

"ano? sigurado ka?"

"oo, sige ka. magugutom ka."

"di bale ng magutom hindi naman ako nagnakaw!"

"okay, makakaalis ka na, maghanap ka na ng ibang bahay na matutuluyan mo."

"Oo! aalis talaga ako! ayokong maging magnanakaw katulad mo!"

kahit nahihilo pinilit niyang tumayo at lumabas ng bahay nito.

Nathalie's POV:

ano ko tanga? magnanakaw para lang mabuhay? tsk! uuwi na lang ako! di bale ng magtiyaga sa bahay! lintek!

Mahilo hilo syang naka-balik ng bahay nila at pagtungtong niya ng gate nila nakita sya ni Nadine ang bunso niyang kapatid.

"ate!"

"ui, andyan ka na pala."

"san ka ba nanggaling? kagabi ka pa nila hinahanap eh, kulang na nga lang magpunta sa ABS-CBN at GMA sila mommy para lang hanapin ka."

"nagpahagin lang tsaka nagstay ako sa bahay ng kaibigan ko. andyan ba sila mommy?"

"wala naman, sa wednesday pa sila uuwi may pinuntahan, sabi nila para daw sa kasal mo, ikakasal ka na ate?"

tumingin ng masama sa kanya si Nathalie at natakot sa kanya ang kapatid nito.

"pwede ba? wag mo kong tatanungin ng ganyan. kuha mo na lang ako ng gamot at nilalagnat ako."

"sorry ate, alam mo, mag mall na lang tayo para naman marelax ka."

"pagod ako at hindi mo ba ko naririnig may lagnat ako?"

"sige na, ate? sama natin si ate Tasha."

"kayo na lang, magpapahinga na lang ako."

"sige magpahinga ka muna tapos pag gising mo, tsaka tayo mag mall okay?"

"magpahinga ka na lang. pinapagod mo ang sarili mo."

"ikaw lang ang pagod hindi ako, matulog ka na, tatawagan ko si ate mamaya."

hindi na niya ito pinansin dahil lumala na ang pagkahilo niya at nararamdaman ang init ng katawan niya kaya pumasok na sya sa loob ng bahay nila at diretso sa kwarto niya. Pagdating sa kwarto, agad syang higa at pinikit ang mata niya, hindi niya pa din makalimutan ang utos sa kanya ni Joshua, ang magnakaw. Pinilit niyang kalimutan ito pero hindi niya magawa, pinilit niyang gumawa ng sarili niyang panaginip hanggang sa tuluyan na syang makatulog.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon