So sweet!

3 2 0
                                    

Maang nagising si Nathalie at naisip nya na kailangan na nilang ayusin ang mga bagay bagay para sa kasal nila. Kinatok niya ang kwarto ni Nadine, pagbukas niya ng pinto nakita niya na tulog na tulog pa ang mga ito. Lumapit sya sa sofa at tinapik sa noo si Joshua para magising.

"Joshua," gising nito

umungol ito pero hindi naman gumalaw. Nilakasan niya ang tapik at dumilat ito. Nasaktan sya dahil sa lakas at sakit ng hampas nito sa kanya.

"bakit ba?"

"ano ka ba? kailangan na nating ayusin yung para sa kasal!"

tumayo na ito at naupo, masama ang tingin niya kay Nathalie. Nginitian sya nito para hindi na ito magalit pa sa kanya. Hinawaknan sya nito sa kamay at hinila patayo para makalabas na sila ng kwarto ni Nadine. Hindi niya ito binibitawan hanggang sa makarating sila ng kusina.

"Ate! may breakfast na po?" tanong niya sa Yaya nila.

"ay wala pa po Ma'am Natahlie, sandali lang po ipagluluto ko na kayo,"

"sige po, intayin na lang namin. Hindi pa po gising sila mommy?"

"ay umalis po sila kagabi."

"ah,"

umalis na ang Yaya niya para magluto at silang dalawa lang ni Joshua sa may dinning table. Nakita niyang tulala ang kasama niya bigla niyang hinampas ang table at nagising ito.

"kanina ka pa tulala dyan." sabi Nathalie sa kanya

"ano bang gagawin natin ngayon?"

"pupunta tayo sa simbahan para tignan yun at hindi naman ganun katagal yun so don't cha worry tapos pupuntahan din natin yung mga invitation at kung anu ano pa. Handa ka na ba?"

"san?"

"mapagod."

bigla itong lalong nagising sa nasabi ni Nathalie.

"ooh! gusto ko yan! hindi pa natin honeymoon ah?"

"huh? sira, ang GM mo!"

dumating na ang yaya niya at hinanda ang pagkain. Nagsimula na silang kumain pareho at pagtapos naghanda na sa gagawin nila.

^_^

Nakarating na sila sa simbahan at sinalubong sila ng isang babae, nagtaka sila pareho kung sino ito.

"Hi! ako si Sheena ang wedding coordinator niyo."

"ah," sagot nila pareho

"pumasok na po tayo sa loob para makita niyo po ang loob ng simbahan."

papasok na sana sila nang biglang hawakan ni Joshua ang kamay ni Nathalie pero sinuntok siya ito sa braso.

"subukan mo lang akong hawakan! sasapakin kita!"

"you're so sweet babe! I love so much!"

hindi sya pinansin nito at sumunod lang kay Sheena. Pagdating nila sa loob patuloy pa rin ang pakikipag-kulitan ni Joshua kay Nathalie.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon