Stranger in my house

69 2 0
                                    

Hindi alam ni Nathalie kung san sya pupunta hanggang sa nakita niya ang isang bahay at biglang pumasok sa isang apartment at dun nagtago.

Samantala sa restaurant,

"ang tagal ata ni Nathalie?" tanong ng daddy niya

inutusan ni Bryan ang kapatid niyang si Bea para tignan ito sa banyo ngunit wala na ito, agad silang nataranta at inutusan ang mga staff na tignan ang buong restaurant at baka nagtatago lang sa isang sulok.

Back to Nathalie.

Nagtago sya sa likod ng pinto, nagulat sya ng bumukas ito at nagkagulatan sila pareho ng lalaking pumasok

"sino ka?" tanong nito sa kanya

agad tinakpan ni Nathalie ang bibig nito at sinabihan sya na wag maingay

agad niyang tinanggal ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit sa kamay.

"sino ka ba tsaka pano ka nakapasok dito!"

"shhhh! baka marinig ka nila!"

"wala kong pakialam kung marinig nila tayo!"

hinawakan niya ito sa braso at hinatak palabas.

"dyan ka! trespasser ka!"

nakita ni Nathalie na wala na ang mga lalaki, bumitaw na sya dito

"sorry, kailangan ko lang naman gawin yun kasi may mga humahabol sa akin na mga lasing eh"

hindi nito pinansin ang sinabi niya at papasok na ito pero pinigilan sya ni Nathalie.

"pwede mo ba kong patuluyin dyan?"

tumingin sa kanya ito ng masama

"hindi ampunan ang bahay ko at hindi ako nagpapasok ng kung sinu sino lang!"

biglang lumuhod sa harap niya si Nathalie

"sige na please? nagmamaka-awa na ko sayo, hindi bale aalis din ako!"

iniwan na sya nito at pinagsaraduhan ng pinto, wala ng nagawa si Nathalie at nakakita sya ng upuan sa gilid ng bahay niya naupo sya dun at nagtiyagang matulog.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon