Surprise!

26 1 0
                                    

Makalipas ang mahigit tatlong oras na byahe ay narating na ni Joshua ang Laguna. It's almost 8 in the evning, dumiretso na sya sa hotel dahil andun ang mga kasamahan niya. Pagdating niya dun nakita niya na kakadating lang ng mga ito kaya lumapit sya dito, nagkita sila ni Kelly pero hindi sya lumapit sa kanya. After 10 minutes ay nagpunta na sila sa kanya kanyang kwarto, napiling mag isa ni Joshua para na rin makapag isip isip sya kung paano niya pakikisamahan si Kelly.

Kinabukasan, maagang nagising si Joshua, nagkita kita sila ng mga kasama niya sa food lounge para mag almusal at pagtapos nun sinumulan na nila ang paggawa nila ng proposal.

Sa Manila naman, Nakatunganga lang si Nathalie sa salas nila ng marinig niya ang tunog ng sasakyan. Napatayo sya ng makita niya na bumaba ng sasakyan nito si Bryan at si Victor. Nagtaka sya kung bakit nito kasama si Victor, nagulat na lang sya ng makapasok na ito ng bahay nila.

"Nathalie!" sigaw ni Bryan

"Hey," sabi sa kanya ni Victor

"Hi." mahinang bati niya sa dalawa

lumabas naman ang ate nito galing sa kusina dala dala ang isang pagkain para sa snacks nila at binati sina Victor at Bryan

"Hey guys, andyan na kayo."

"Yeah, wag kayong maingay kasi mag uusap kami about sa work,"

"Sure," sagot sa kanya ni Nathalie

nanuod na ang dalawa ng TV at nagpunta naman sa dinning area sina Bryan at Victor.

Makalipas ang dalawang oras ay natapos na ang meeting ng dalawa, naupo si Bryan sa tabi ng asawa niya at nakatayo naman si Victor sa tabi ni Nathalie.

"ah, pwede ba tayong lumabas Nathalie?"

napatingin ang tatlo sa kanya dahil sa sinabi nito, hindi naman agad nakasagot si Nathalie sa kanya.

"ah... " tumingin ito sa ate niya at parang gustong humingi ng tulong

"okay lang, basta ibabalik mo yung kapatid bago mag gabi." sagot ng ate niya

"pero dude, ingat ka lang. May asawa na yan,"

"I know,"

nag aalangang tumayo si Nathalie at sumama kay Victor. Lumabas na sila ng bahay at sumakay sa kotse nito.

"Okay lang ba sa iyo?"

"huh? ah, Oo. Medyo nabobored nga ako kasi nag out of town yung asawa ko."

"Just consider this as our friendly date,"

"Haha. Okay, san mo naman ako dadalin?"

"Kahit san, gusto ko din kasing gumala at tulad mo nasa out of town din ang girlfriend mo."

"Kawawa naman tayo,"

"Bakit hindi tayo magbakasyon?"

"Saan?"

"Laguna. Tutal naman andun ang girlfriend ko, I want to surprise her."

"Oooooohhhhhh! ang sweet! sakto! andun din ang asawa pero hindi ko lang alam kung nasan sila exactly."

"edi hanapin natin,"

"tara! ngayon na tayo pupunta?"

"gusto mo ba?"

"Go!!!!!!"

bigla itong lumiko sa gitna ng daan at bumalik sa bahay nila Nathalie.

Sa Laguna naman, nagbreak muna sila Joshua sa paggawa ng proposal at napili nilang lumabas labas muna. Kumapit sa braso ni Joshua si Kelly pero binitawan sya nito. Tinignan sya nito ng masama at naglakad, hinabol niya ito pero hindi na sya kumapit.

"San ka pupunta?"

"magpapahangin,"

"pwede akong sumama?"

hindi na ito nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon