Feeling Husband?

36 2 0
                                    

Kinabukasan. 7 AM

Maagang nagpunta si Joshua sa bahay nila Nathalie, dala dala ang mga gamit niya dahil dun na sya titira pansamantala.

"good morning! ang aga mo naman anak lumipat," bati ng mommy ni Nathalie

"pasensya na po napaaga po ang pagpunta ko, gising na po ba si Nathalie?"

"naku hindi pa,"

"buti na lang!"

"naku buti na lang at nandyan ka, gisingin mo na ang asawa mo kasi kadalasan tanghali na yang gumigising."

"sige po, ako na po ang gigising sa kanya?"

"sige, akyat ka na, pangalawang kwarto."

umakyat na si Joshua at dahan dahan binuksan ang pinto ng kwarto ni Nathalie, nakita niyang nakatalikod ito sa kanya, napatigil sya dahil nakita nito ang legs, braso at likod nito.

Joshua's POV:

wow! ang puti niya. sexy pa. ang swerte ko talaga.

tinigil niya muna ang pagdadaydream niya at lumapit kay Nathalie, nilapit niya ang mukha niya at dahil dito biglang nagising si Nathalie, nung nag inat sya tinamaan ang mata ni Joshua.

"aray!"

nagulat si Nathalie at napa upo at tinignan kung anong nangyari kay Joshua.

"bakit ka ba kasi nandyan?"

"pinapagising ka ng mommy mo sa akin!"

hinawakan niya ang mata ni Joshua at magkapatong ang kamay nila,

"masakit ba?"

ngumiti sa kanya si Joshua,

"akala ko ba hindi kitang pwedeng hawakan bago ang kasal?"

nakita ni Nathalie na nakapatong ang kamay niya sa kamay nito kaya inalis niya ito at tinulak si Joshua.

"lumabas ka na nga! baka kung ano pang gawin mo sa akin!"

"bye honey!"

"pwede ba? wag mo kong tawaging honey! hindi pa kita asawa!"

"eh di kapag nagpakasal na tayo tatawagin mo na kong honey?"

"hindi rin! labas na!"

"hindi dapat ganyan ang way ng pagpapalabas mo sa future husband mo, dapat, "labas ka na hubby susunod na ko sa baba =))"

"eh kung sapakin kaya kita!

"sige na!"

"isa!"

"bye!"

lumabas na ng kwarto niya si Joshua at pumasok na ng banyo si Nathalie para maligo. Pagbaba niya na nakangiti sa kanya ang mommy ni Nathalie

"nagising mo ba sya?"

"opo masaya nga po sya at ginising ko sya eh."

M"mabuti naman at dumating kung hindi mamaya pa yan gigising."

ngumiti sya at tinulungan ang mommy nito sa paghain ng mga pagkain.

Pagtapos nilang maghain, lumabas na sa kwarto niya si Nathalie at bumaba.

"kain ka na Honey!"

tumingin sa kanya ng masama si Nathalie.

"alam mo Nathalie, napakaswerte mo dito sa fiance mo, mabait sya ah."

"oo nga po eh! sobrang bait!"

"sige, kumain na kayo pagtapos tumingin na kayo ng furnitures para sa bahay niyo."

"opo,"

"ano na nga ba ang pinag uusapan natin Joshua? ah! bakit ka nga pala ipapakasal ng mga magulang mo dito kay Nathalie?"

"kasi masama sya! (tingin ng masama kay Joshua)"

"hindi ka naman masama ah, mabait ka naman."

"sa paningin ng magulang niya."

"nagkakilala na ba kayo ni Joshua?"

"opo!"

"hindi po!"

"ano ba talaga?

"mommy ako ang anak mo, kaya ako ang paniwalaan mo. hindi pa po kami nagkakilala"

"pero bakit mo alam kung bakit sya ikakasal?"

"ah.... kasi nagkwentuhan kami tungkol dyan kagabi"

sabay tingin kay Joshua

"di ba Joshua? (dilat ng mata)"

"ah opo! hehe! kain na po tayo!"

Pagtapos nilang kumain, lumabas na sila para tumingin ng mga furnitures.

"bye mommy!" paalam nila pareho. Siniko niya si Joshua dahil nagfefeeling ito sa mommy niya.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon