Who are you?

31 2 1
                                    

Hindi na sumama si Nathalie sa office ni Joshua at nagpunta na lang sa mall para magpalipas ng inis niya kay Kelly. Naisipan niyang bumili ng mga damit at magpagupit. Pagtapos niyang magpagupit ay nag-stroll muna sya at tila nakita niya siniaNadine at Ara na papasok sa isang fast food. Pinuntahan niya ito at pasimpleng hinatak ang buhok ng kapatid niya.

"aray!"

"anong ginagawa mo dito?"

"ate? ikaw ba yan?"

ngumiti si Nathalie at inayos ayos ang buhok niya.

"bagay ba?"

"ang ganda mo ate!" sabat ni Ara

"bakit ganyan ang buhok mo? mukha kang lalaki."

sumimangot sya sa sinabi ng kapatid niya at pinansin si Ara.

"naka-order na ba kayo?"

"hindi pa po ate,"

"libre mo kami ate?"

"tsk! pagtapos mong pintasan ang buhok ko! sige na, umorder na kayo."

kumuha sya ng pera at binigay sa dalawa, masaya itong tumayo at nagpunta sa counter para umorder. Habang nag iintay nakita niya sa labas ang lalaking umiwas sa kanya nung college, "supposedly suitor" niya. Napatingin ito sa kanya at kumunot ang noo tila minumukhaan siya, nginitian niya ito at kinawayan. Pumasok ito para tignan kung sino ito

"Nathalie?"

"yes, Victor! kamusta ka na?"

"you look good, ang ganda mo, kung alam ko lang na ganto ang ikakaganda mo tinuloy ko na pala."

dumating na ang dalawa at nagtataka kung sino ang kausap ng kapatid niya.

"sya na pala, eto sina Nadine at Ara, kapatid at sister-in-law ko."

"sister-in-law? ibig sabihin, you're already married?"

"yes, huli ka na."

"haha! Uh, I gotta go, tumatawag na yung girlfriend ko."

"sige, see you next time! bye,"

nagmamadali itong umalis para sagutin ang tawag ng girlfriend niya at nagsimula na silang kumain. Habang kumakain sila ay napag usapan nilang maununod sila ng sine at magshoshopping.

Hapon na at tapos na silang manuod ng sine at nagshoshopping na lang sila biglang nagring ang cellphone niya, tumatawag sa kanya si Joshua

"hello sweetie? pauwi na ko."

"huh? naku, sandali lang nasa Mall pa ako kung gusto mo sunduin mo ko dito para maka-pasyal ka at sabay na natin sila Nadine at Ara sa pag-uwi."

"kasama mo sila?"

"yup,"

"sige, on the way na ko."

"okay! Love yah!"

"Love you too!"

nagpatuloy na sila sa pagshoshopping. After 30 minutes ay nagtext na si Joshua na nandun na sya, nagreply naman si Nathalie at sinabing nasa department store sila. Agad naman silang nakita nito at nagulat sa bagong hairstyle ng asawa niya

"sino ka?" tanong niya dito habang nakatayo malayo sa kanya

"baliw! ako pa rin to! nagpagupit lang ako! nagpapaganda lang ako for you!"

"sayang yung buhok mo."

"bakit hindi ba bagay yung gupit ko sa akin?"

"maganda ka pa rin naman eh."

nagholding hands na sila at nagpatuloy sa pamamasyal. Umuwi na sila bago gumabi dahil may pasok pa nga ang mga kapatid nila, hinatid muna nila ang mga ito bago tuluyang umuwi sa kanila.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon