Goodbye for the mean time?

36 2 0
                                    

Pagdating sa bahay nagpatuyo muna sila, nakita ni Nathalie ang phone ng ate niya na. dapat ibebenta ni Joshua. Dinial niya ang number niya at nagbaka sakaling masasagot ito. Nagulat sya ng bigla itong sagutin ni Natasha.

"hello? Nathalie?"

"ate!"

"Natahlie! kamusta ka na? nuka, kailangan mo ng umuwi dito!"

"bakit? kakausapin ka nila mommy!"

"ayoko! pag uusapan na naman nila yung kasal,"

"sige na,"

"ayoko, hindi ako uuwi."

"sige na, akong bahala sa iyo!"

hindi na sumagot si Nathalie at binaba ang phone. Sumimangot sya at nakatingin lang sa kanya si Joshua,

"okay ka lang?"

"ayokong umuwi,"

"uuwi ka din bukas?"

"pinauuwi nila ako kasi kakausapin daw ako ng mga magulang ko."

"ako nga din eh, tapos gusto nila dun muna ako sa kanila ngayong week."

"sabi nga rin ng ate ko eh."

"hay, wag kaya tayong umuwi?"

"huh? naku! baka hanapin tayo~"

"wag na pala baka puntahan pa ko nila mama dito makita ka at paalisin ka dito eh dito wala ka na namang bahay."

"buti alam mo,"

"ayusin na natin yung mga gamit natin baka kasi maaga akong umalis bukas."

"ikaw na lang, ayos na ang mga gamit ko. tulungan na lang kita,"

"baka makakita ka pa ng hindi dapat makita!"

"oo nga, wag na pala baka hindi ko lang kayanin. sige, dito na lang ako, panuod tv ah?"

"5 minutes lang baka tumaas ang kuryente ko."

"wag kang mag alala ako naman nagbabayad nito eh, tsaka ano mapapanuod ko sa 5 minutes? commercial?"

pumasok na sa loob sa kwarto niya si Joshua at nag ayos ng gamit niya. Si Nathalie naman, binuksan na ang TV at nanuod.

Kinabukasan,

Hindi magising ni Joshua si Nathalie, ilang beses niya itong kinalabit sa balikat pero hindi pa rin ito magising hanggang sa pinalo niya ito sa noo. Nagulat sa kanya si Nathalie kaya muntikan sya nitong masipa.

"oi gising na, paalis na ko."

pagharap sa kanya ni Nathalie nakita niyang nakatwalya lang si Joshua tumalikod sya ulit at sinabihan ito

"brad, magbihis ka nga!"

"maligo ka na pagtapos tsaka dun ka na lang kumain sa bahay niyo."

tumayo na si Nathalie at kahit inaantok pa, kinuha na niya ang twalya niya at dumiretso sa bayo.

after 1 hour

lumabas na sila pareho ng bahay at nagpaalam na sa isa't isa. Binigay ni Joshua ang susi kay Nathalie

"sige na, next week na din ako uuwi eh." sabi ni Nathalie

"sige, ito nga pala yung number para kung mauuna kang umuwi sabihan mo ako."

kinuha niya ang calling card kay Joshua at binasa ito sabay lagay sa bulsa.

"sige brad, ingat ka!"

"ingat!"

sumakay na sa motor niya si Nathalie at sa kotse naman niya si Joshua.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon