Bye Wifey!

27 1 0
                                    

Nagbabasa si Nathalie ng paborito niyang libro ng marinig niya ng may kumaluskos sa kwarto nila. Naalala niya na aalis na pala si Joshua at pupunta ito ng Laguna dahil may project itong ginagawa, sinilip niya ito sa pintuan.

"ingat ka dun ah?"

"yes sweetie."

"hindi ba ko pwedeng sumama?"

humarap ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

"hindi pwede eh, don't worry three days lang ako dun."

"basta pag nandun ka na wag kang mangbabae ah?"

"oo naman, ikaw lang ang pinakamagandang babae sa buhay ko beside my mom."

hinalikan sya nito sa noo at inakap sya ni Nathalie

"Mamimiss kita sweetie." malungkot na sinabi ni Nathalie

"Mamimiss din kita."

"ngayon ka na ba aalis?"

"yeah, ihahatid na kita sa inyo, kawawa ka naman wala kang kausap dito."

"oo nga eh, baka pagbalik mo dito wala na ako sa katinuan ko."

"ikaw talaga! sige na, okay na ba yung mga gamit mo?"

"yeah, inunahan na kita bago ka pa man umuwi :)"

"haha! sige na, ihanda mo na yung sasakyan."

"wait! bumili ka ba ng mangga?"

"oo, naglilihi ka na ba?"

"humph? hindi ah! gusto ko lang kumain kasi bigla syang nagpop out lang sa utak at nabasa ko lang sa libro ko."

"naku, malaman ko lang na buntis ka na,"

hindi niya alam na nakalabas na si Nathalie at hinahanda ang sasakyan nila. Natawa na lang sya at lumabas na ng kwarto at bahay nila. Sumakay na sila at nagpunta na sa bahay nila Nathalie.

"Ano bang gagawin niyo dun?"

"Meeting with the stock holders,"

"oh, edi kasama ang daddy mo?"

"No, may ginagawa pa sya eh."

"basta, tawag tawagan mo ko ah?"

"sure, tignan ko kung may time."

"hay, kawawa naman tong asawa ko, super busy sa trabaho. Kung pinayagan lang talaga ako ni daddy magtrabaho may katulong ka."

"wag ka sanang magagalit kung makakasama ko dun si Kelly."

"alam ko namang kaya mo syang iwasan, sana naman eh wag mong hayaan na sirain niya ang marriage life natin."

nakarating na sila sa bahay at kailangan ng magpaalam ni Nathalie sa asawa niya. Hindi na sila pumasok si Joshua at sa kotse na lang sila nagpaalam.

"were here sweetie! time to say goodbye! I love you!"

"love you too!"

tinanggal na nila ang mga seatbelt at humalik na si Nathalie sa kanya. Pagbaba nito ay naupo naman sya sa driver's seat, nagseatbelt at pinaandar ang kotse.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon