Last Day

5 2 0
                                    

Last Day na nila sa Boracay pero imbes na mag-enjoy sina Nathalie at Joshua ay hindi makuhang magpansinan at mag-usap. Nagpapanggap lang sila kapag kaharap nila ang mga kapamilya nila pero kapag wala ito ay para silang pipi. Napansin ito ng ate niya kaya kinausap sya nito.

"nag away kayo ni Joshua?" sabay hawak sa kamay niya at pag upo sa isang bench ng resthouse

napabuntong hininga sya ng sagutin niya ang tanong ng ate niya

"again,"

"nakipaghalikan na naman ba?"

"hindi, iba to. Nasaktan ako ng bongga."

"may iba syang babae?"

"hindi niya pa din makalimutan ang first love niya,"

"what? it sounds stupid."

"first love never dies. It sucks."

"eh ano balak niya? balikan niya yun?"

"hindi ko alam. Magpapanggap na lang kami ulit."

"pero the best way pa din kung mag-uusap kayo, para maliwanagan ka."

"humph! asa naman ako!"

"kausapin mo. Babatukan kita,"

"you're so sweet talaga ate!"

"sige na~ mauuna na kami ni Bryan kasi may sakit si Archie eh."

"sige,"

"mag-usap kayo ah?"

"okay,"

humalik na ito sa kanya at tinignan lang itong umalis. Naisip niya na tama ang sinabi nito na kailangan niyang kausapin si Joshua para malinawan sya pero wag muna ngayon, palilipasin niya muna ang galit nito. Tumayo na rin ito at nagpunta sa kwarto nila, nakita niyang nakatingin lang sa kisame si Joshua.

"mahulugan ka ng butiki dyan," biro nito

napatingin ito sa kanya at ngumiti ng kaunti.

"Last day na natin ngayon gusto mo bang dito na lang sa kwarto natin matapos ang bakasyon mo?"

"anong ibig mong sabihin?"

"pagbalik natin sa Manila, magtatrabaho ka na sa company namin, gusto ko nga ding magtrabaho pero sabi ni daddy sa bahay na lang ako."

tumango lang ito at tumingin sa kanya ng diretso.

"Nathalie, sorry..."

"bumawi ka naman sa kapatid mo, simula nung bago tayo ikasal tayo na ang magkasama baka magtampo yun, ienjoy na lang natin ang last day natin dito dahil mamaya gabi ay uuwi na tayo."

umalis na ito at inaya sa mga shops ang nakababata niyang kapatid na si Nadine. Si Joshua naman pinasyal naman ang kapatid niya. Pinili ni Nathalie na wag munang makipag-usap kay Joshua dahil may sakit pa din syang nararamdaman.

Naisipan ni Nadine na ayain si Nathalie sa mga kainan dun pero sinubukan niyang pigilan ito, sa huli wala naman syang nagawa dito dahil sa kakulitan nito. Nagpunta sila sa food stall nila Kelly at nagkita ulit sila.

"anong gusto mo ate? libre na kita!"

"ah, okay lang ako. Hindi pa naman ako gutom eh."

"ay ano ba yan ate! pumili ka na!"

nakita nitong may isang babaeng kumalabit sa kanya, kaklase niya.

'Georgia!" sigaw ni Nadine sabay akap sa kaibigan nito

"kamusta ka na?" tanong nito sa kanya

"eto, maganda pa din! ay! sya nga pala, eto yung ate ko. Ate, si Georgia friend ko."

"Hi!" bati nito sa kanya

"Hello po!"

"naku, bago kayo magchikahan dyan, pumili ka muna ng kakainin mo,"

"ay oo nga pala! dalawang fried chicken and spaghetti na lang po :)" utos niya sa nagsasandok ng pagkain

naghanap na sila ng mauupuan pero si Nathalie tinawag si Kelly upang kausapin ito. Naiilang itong lumapit sa kanya

"gusto lang kitang makausap tungkol kay Joshua... hindi ba ikaw ang first love niya?"

"ako nga, bakit?"

hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.

"ngayong nakita ka na ni Joshua wag mo na sanang sirain ang marriage life namin," panakot niya dito

imbes na matakot ito sa kanya ay ngumisi ito at sinagot sya.

"really? pero malay mo, mawalan sya ng gana sa iyo dahil sa pagiging protective at insecure mo then marerealize niya na ako pa din ang mahal niya at magkakatuluyan kami!"

"move on na girl, its been 10 years since iniwan mo si Joshua and now he's mine and were married wala ka ng magagawa. Kung gusto mo pa rin kunin sa akin si Joshua lalabas na isa kang kabit sa paningin ng tao."

"hindi ko na kailangan intindihin ang sasabihin ng ibang tao kung mahal naman ako ni Joshua"

sasagot sana sya pero bigla syang lumapit sa kanya si Nadine.

"umalis na si Georgia. I'm done eating."

napatingin ito kay Kelly.

"sino sya?"

"I am Kelly, Joshua's ex-girlfriend"

"Oh. I didn't know that you were having a private conversation here so, I better leave you guys,"

"No, were done." masamang tingin ni Nathalie kay Kelly

"Bye. See yah around!' paalam ni Kelly sa kanya

umalis na sila at tinignan lang sila ni Kelly na mawala. Napag isip isip niya na kaya niyang kuhain ulit si Joshua sa asawa nito dahil alam niya na mahal pa rin sya nito. Samantala si Nathalie naman binalewala na lang niya ang pinag usapan nila ni Kelly dahil alam alam niya namang hinding hindi niya makukuha si Joshua ngayong sinusubukan na niya itong mahalin.

Pagtapos nilang mamasyal nagsibalikan na sila sa resthouse at inayos ang mga gamit nila. Mamayang alas siyete kasi ang flight nila pabalik ng Manila.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon