After the storm

0 1 0
                                    

Makalipas ang isang linggo.

Matiwasay na nakabalik ng Manila sina Joshua at Kelly. Naipresent din nila ang proposal para sa upcoming project nila. Naisipang magleave muna ni Joshua para maliwanagan ang utak niya, ayaw niyang maapektuhan ang trabaho niya dahil sa away nilang mag asawa ganun din si Kelly.

Samantala si Nathalie naman ay nilibang na lang ang sarili sa pagbabake at pagbubusiness, ayaw niyang maging malungkot kaya gumawa sya ng paraan para makalimot. Si Victor naman ay nag ibang bansa muna.
____________________________________________________________

Nakatingin sa kawalan si Nathalie ng bigla syang kalabitin ni Nadine.

"ate? sinong iniisip mo?"

"huh? wala nagdadaydream lang! sana dumating naman si Oliver."

"sinong Oliver?"

"ah, crush ko sya nito lang, nung nagpunta tayo sa office nila daddy?"

"ikaw.... tsk! sabagay, cute naman si kuya Oliver, macho, mabango at matangkad pa!"

biglang lumapit sa kanila si Natasha dala dala ang pagkain nila.

"uhm, si Oliver Sy na naman pinag uusapan niyo? akin kaya sya no?"

"excuse me ate, sa akin sya no!" sagot ni Nathalie sa ate niya

"mali kayo, he's mine!" sabat naman ni Nadine

lumapit sa kanila ang mommy nila at nakihalubilo sa kanila

"oohhh~~ is this some girl talk? Can I join? sino ba yang Oliver Sy na yan na pinagkakaguluhan niyo?"

"yung cutie na employee ni daddy? yung nasa accounting department?" sabi ni Nathalie

"oh, under ni "the mistress"? okay, may number ako niya tawagan natin sya, let's have some fun! tutal wala naman ang mga asawa natin,"

"mommy please, don't call him! Bryan and I will surely fight!" sumbat ni Natasha

"have time for yourself naman hija! sige na! or if you want, let's go shopping na lang. Despite sa mga pangyayari sa buhay natin eh, asikasuhin naman natin ang mga sarili natin. Let's go!"

sabay sabay silang tumayo at lumabas ng shop ni Nathalie. Nagbonding silang mag iina.
____________________________________________________________

Tahimik na kumakain si Joshua ng lapitan sya ng sabayan sya ng daddy niya sa pagkain.

"Kamusta ka na?"

napatigil sya sa pag nguya at tumingin dito. Himala, makalipas ang ilang taon nilang paghihiwalay ay kinamusta sya nito. Nagpatuloy sya sa pagkain at sinagot ito

"Okay naman,"

"naghiwalay ba kayo ni Nathalie?"

huminga ito ng malalim at hindi sumagot

"ano bang nangyari?"

nagdadalawang isip sya kung sasabihin niya sa daddy niya ang tungkol sa kanila ni Kelly.

"sige na, sabihin mo na. Alam kong nahihiya ka pa dahil ito ang unang beses na nagpaka-tatay ako sa iyo. I'm sorry."

"No Dad. It's okay, kahit minsan gusto kong mag-open sa iyo dahil minsan hindi rin ako naiinitndihan ni mommy sa pangangailangan bilang isang lalaki."

"Sana makabawi ako sa iyo,"

"Dad, bakit ang drama natin bigla? haha!"

natawa ang daddy niya pero ang totoo gusto talaga nitong malaman ang tunay na kalagayan pagtapos ng hiwalayan nila ni Nathalie, nawala ang ngiti ni Joshua at huminga ng malalim bago simulan ang pagkukwento. Nakinig ng maigi ang daddy niya dahil gusto niyang tulungan ang anak niya.

"Tama lang ang ginawa mo Joshua, alam mo ang limitasyon mo bilang isang may asawa. Hindi ko alam na first love mo pala si Kelly, hindi na sana kita inassign sa projet na yun,"

"Okay lang yun Dad, para masanay na din ako na harapin sya. Sana mapatawad ako ni Nathalie sa ginawa ko."

"Papatawarin ka nun pero hindi lang ngayon,"

magsasalita pa sana sya pero dumating bigla si Ara at inaaya silang lumabas. Pumayag ang mag ama at naisip na ito ang tamang panahon para makapag bonding silang buong pamilya. Pakiramdam ni Joshua ay bumalik ang mga panahong bata pa sya at baby pa lang si Ara, masaya silang namamasyal.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon