Our breakfast

35 1 0
                                    

Umaga na, Hindi maganda ang gising ang Nathalie dahil naiisip niya pa din ang nangyari kagabi. Nauna syang magising kay Joshua at paglabas niya ng kwarto nakita niya ang mga mommy niya, Joshua, Bryan at Natasha. Usapang nanay sila, napaakap sya sa mommy ng makita niya ito.

"Good morning anak!"

napansin niya na tahimik lang ang anak nito,

"bakit ka tahimik?" tanong nito sa kanya

"nagseselos yan ma," sabi ni Natasha

"bakit anak? anong ginawa sayo ni Joshua?" tanong niya ng mother-in-law

"may kahalikan daw si Joshua kagabi at buti na lang hindi namin nakita." kwento ng ate niya

"naku, kung nahulo ko yun baka nasabunutan ko na yung babae," sabi naman ng mommy ni Bryan

"pasensya ka na kung nagawa ng anak ko yun, matigas talaga ulo nun,"

sakto namang gising na si Joshua at agad syang tinawag ng mommy niya

"halika dito Joshua! anong ginawa mo dito sa asawa mo? nakipag halikan ka daw sa iba kagabi,"

napa isip si Joshua sa binibintang ng mommy niya, bigla niyang naalala na may babae ngang lumapit sa kanya pero hindi niya naman ito namukhaan dahil nahihilo na ito. Dineny niya na lang na wala syang naalala.

"wala po akong maalala."

"meron kang naalala, ayaw mo lang aminin." sabi ni Nathalie sabay tayo at nagpunta ng kusina para maghanap ng pagkain.

Pagtayo nito, pinaalalahanan sya ng mommy niya,

"alam ko Joshua na hindi ka pa handa buhay mag-asawa pero hindi mo na pwedeng gawin ang mga bagay na ginagawa mo pa nung binata ka pa,"

gusto niya sanang sumbatan ang mommy pero alam niyang mapapahamak lang sya dahil puro nanay ang makakalaban niya kaya ngumiti na lang ito sa mommy niya.

"sige na, suyuin mo na yung kapatid ko. Baka madaan mo pa yan sa pastry, mahilig yan sa pagkain." sabi ng ate Natasha niya.

Lumapit sya dito sa may kusina at nakitang nakasimangot habang naghahanap ng pagkain sa ref.

"nagugutom ka? tara. Libre kita ng breakfast."

sinara nito ang ref at tinignan sya ng masama,

"kakilala mo ba yung kagabi?"

"uhm, hindi. Sorry,"

"panindagan mo yung mga sinabi mo sa akin kahapon. Ayoko ng taong walang isang salita."

aalis na sana ito pero hinawakan sya sa braso

"tama na, nagsorry na ko. Anong pwede kong gawin para patawarin mo ko?"

narinig niya ang tunog sa tyan ni Nathalie.

"tyan ko na nagsasabi, ilibre mo ko. Pero bago mangyari yun, maligo ka muna kagabi mo pa suot yan."

bumalik sila sa kwarto para naman makaligo si Joshua. Habang iniintay sya ni Nathalie, nakita niya ang iPhone nito at pinagtripan. Gagatihan niya lang ito dahil na rin sa pagselfie nito sa phone niya. Makalipas ang ilang minuto lumabas na din ito ng banyo, nakita sya nito na hawak nito ang phone niya

"wala kang makikita dyan, hindi ko naman nakuha yung number nung girl kagabi, sayang."

tumingin sa kanya ng masama si Nathalie pero tinawanan lang sya nito at hinawakan sya sa kamay. Lumabas na sila at nagpunta sa isang restaurant pero hindi pumayag si Nathalie at hinatak sya sa mga mumurahin at maraming pagpipiliang food stalls.

Habang namimili sila ng pagkain, hindi inaalis ni Joshua ang kamay niya sa beywang ni Nathalie.Nagulat sya ng magkita sila ni Kelly habang pumipili si Nathalie ng kakainin nila.

"Joshua," napatingin sa kanya si Nathalie ng tawagin nito ang asawa niya. Binalewala niya ito at umorder

"ah, isa nga nito, ito, ito,"

nakita niyang hindi ito gumagalaw at nakatingin lang sa asawa niya kaya sinagawan niya ito para mapahiya at magising

"miss ano ba? bibigyan mo ba kami ng pagkain o hindi?"

sa pagsigaw niyang yun napatingin lahat ng tao sa kanya at lumapit ang isa niyang kasamahan.

"sorry po ma'am, ano po bang sa inyo?"

tinuro ulit ni Natasha ang mga inorder nila at tinignan ng masama si Kelly. Hinatak niya si Joshua para maghanap ng table at dun na lang inintay ang pagserve ng pagkain nila.

"sya ba yung kahalikan mo kagabi?"

"hindi, hindi ko naman natandaan yung mukha nun eh,"

"eh bakit ganun makatingin sayo yun?"

"she's my first love."

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon