Slowly

32 2 0
                                    

Pagbalik nila sa resthouse ay nandun na ang lahat at sila na lang ang iniintay. Masaya sila dahil nakita nilang magkasama ito. Naligo muna sila bago makisalo sa pagkain.

Pagtapos kumain ay lumabas muna sila para magpahangin at makapag-usap na din.

"mukhang hindi ka na naiilang sa akin ah?" sabi ni Joshua

"ilang araw naman na tayong magkasama eh at ilang araw at taon pa tayong magkakasama."

Natahimik sa sinabi ni Nathalie si Joshua, naisip niya na handa na itong makasama sya habang buhay at tanggap na nito ang kasal nila.

"ibig sabihin hindi magfifile ng annulment laban sa akin?"

"sira ulo ka talaga, bakit ko naman gagawin yun? sana ba binubugbog mo ko tsaka kahapon lang tayo kinasal hello?"

"haha! sorry,"

"makulit ka lang talaga pero alam ko din titino ka din balang araw."

naupo sila pareho dahil nangangawit na sila at nagpatuloy sa pagkwekwentuhan. Pinatong ni Nathalie ang ulo niya sa balikat nito na ikinagulat naman ni Joshua. Natuwa naman sya na nawawala na ang ilang nito sa kanya.

"alam mo, ang swerte siguro ni Ara sa iyo, kasi may kuya sya katulad mo."

"hindi ko nga alam kung nagpaka-kuya ako kay Ara eh, alam mo naman, hindi ako umuuwi sa amin."

"pero hindi mo ba sya pinupuntahan sa school or pinuntahan ka nya sa apartment?"

"hindi niya alam ang apartment ko dahil ayaw kong ipaalam baka puntahan ako nila mama dun, pauwiin pa ko. Minsan, nagpupunta ko sa school niya tapos kakain kami."

"buti pa sya, ako hindi man nakaranas ng ganyan, puro kasi kami babae."

Napabuntong hininga na lang sila pareho dahil sa pinag uusapan nila at natawa dahil sabay pa sila.

"may gusto sana akong itanong sa iyo,"

"ano yun?"

Nag alangan sya kung itatanong niya iyon kay Nathalie o hindi pero iniintay nito ang sasabihin niya.

"ah, pwede ko bang gampanan ang responsibilidad mo bilang isang asawa?"

tila hindi naintindihan ni Nathalie ang tanong nito.

"anong ibig mong sabihin?"

"I mean, ugh, pwede ba natin tong gawin ng makatotoohanan? yung walang pagpapanggap?"

Hindi agad nakasagot sa kanya si Nathalie.

"huwag ka sanang mabigla, ang gusto ko lang naman ay i-try, I like you Nathalie. Ever since nung nalaman ko na ikaw yung fiance ko, nagustuhan na kita kasi ang ganda mo."

Natawa lang ito sa naririnig niya at sumang-ayon naman sya kagustuhan ni Joshua.

"sige, wala naman siguro masamang magtry pero if things won't work between us, tigil na natin. It takes time to prove something like love, alam naman natin na mabigat yung bagay na yun, so I think we should take it slow."

Napangiti sa kanya si Joshua dahil sa pagpayag nito sa suggestion nito, gusto niya itong akapin pero sabi nga nito they should take it slow, inaya nya na lang ito manuod ng mga movies kasama ang mga in-laws niya. Pumasok na sila sa loob at nagpunta sa theater room nila.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon