Unexpected kiss

50 3 0
                                    

Habang tumitingin si Nathalie ng mga gamit, bumitaw na sa kanya si Joshua dahil pagod na ito at naupo sa isang sofa Kinurot sya nito dahil bawal maupo dun at nakatingin sa kanya ang saleslady.

"aray!"

"bawal maupo dyan brad!"

tumayo na sya at sumunod na dito, wala pang 30 minutes lumabas na sila dahil hindi naman sila marunong pumili ng mga gamit. Paglabas nila nakita ni Joshua ang isang shop na pambabae, hinatak sya nito at kumuha ng isang damit; binatukan sya ni Nathalie, kinuha ang damit at binaba ito.

"umuwi na tayo."

bumalik na sila sa bahay, si Natasha naman tahimik lang na nagdidilig ng mga halaman, napatingin sya sa labas dahil narinig niyang may sasakyang tumigil sa harapan nila. Nakita niyang bumaba nito si Nathalie at ang isang lalaki.

"ate!"

"Nathalie! sino yang kasama mo?"

"ah, ate sya nga pala si Joshua, yung.... alam mo na."

tumingin sya dito at nginitian ito.

"hi! ako ang ate ni Nathalie, future sister-in-law mo! tara pasok na kayo."

papasok na sana sila pero biglang hinawakan ni Joshua si Nathalie sa braso. Napatingin sya dito.

"sorry Nathalie"

"huh?"

"sorry"

naalala ni Nathalie ang pagnanakaw ni Joshua sa mga kapatid nito.

"ah, kalimutan mo na yun, pasok na tayo."

pumasok na sila at nagkita naman ang magkapatid na Joshua at Ara.

"Ara?"

"kuya?"

nagulat ang tatlo ng malaman nilang magkapatid ang dalawa.

"kapatid mo sya Ara?" tanong ni Natasha

"opo, kayo po pala ang mapapangasawa ni kuya, wow! ang swerte ko naman!" bati nito kay Nathalie

"ah, hello po kuya Joshua, sa wakas nakita ko na kayo lagi po kayong kinukwento sa akin ni Ara eh."

"alam mo Joshua madalas sa amin dito si Ara pero hindi niya sinasabi na may kapatid sya." sabi ni Nathalie kay Joshua

"kaya ka pala ginagabi ng uwi!" sita nito sa kapatid

biglang dumating ang anak ni Natasha, si Archie.

"hi tita Nathalie!"

"hello Archie!"

"tita boyfriend mo?"

"hindi,"

"sige nga tita kung hindi mo sya boyfriend kiss mo sya sa lips."

sinaway sya ng mommy niya sa sinabi nito.

"archie! bad yun!"

nagulat ang lahat ng biglang halikan ni Joshua si Nathalie, kinilig ang dalawang babae at nakatingin lang si Nathalie kay Joshua, ngumiti ito sa kanya at inakap sya para hindi sya mapahiya.

"wow Nathalie, ang sweet ng husband mo." sabi ni Natasha

"naku ate ganyan din naman si kuya Bryan sayo eh." singit ni Nadine

"tama! tara guys kain na tayo!"

pag alis nila, bumitaw na si Joshua kay Nathalie at hinawakan sya sa kamay.

"magpanggap na lang muna tayo for the mean time."

nakatingin lang sya kay Joshua at hindi umiimik. Nagpunta na sila sa kusina at kumain na.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon