Keep in distance!

52 3 0
                                    

Pagtapos kumain umkyat muna si Nathalie para magpahangin. Napatingin sya sa kamay niya at naalala kung pano hinawakan ito ni Joshua

Nathalie's POV:

bakit niya kaya hinawakan ang kamay ko kanina? sira ulo talaga yung lalaking yun! bwiset!

napahawak sya sa labi niya at naalala ang halik nito sa kanya.

hinalikan pa ko! bwiset! bwiset talaga! lalayo na ko sa kanya!

biglang dumating si Joshua at kinausap sya.

"ang sarap palang magluto ng ate mo no?"

"Oo, makababa na nga at baka hinahanap ako ni ate"

Agad na umalis si Nathalie at bumaba, nagtaka naman si Joshua kung bakit sya biglang iniwan nito. Pagbaba niya nakisali na lang sya sa usapan ng magkaibigan na sina Nadine at Ara.

"hi ate!" bati sa kanya ni Ara

"hello, anong pinag uusapan niyo?"

"tungkol sa mga crush namen, tapos alam mo ba ate may nanliligaw na sa akin!" sagot ni Nadine sa kanya

"o talaga? pakilala mo naman sa akin!"

"sige ate,"

nakita niyang pababa na ng hagdanan si Joshua kaya naisipan niyang tumabi naman sa ate niya.

"basta Nadine ipapakilala mo sya sa akin one of these days ha?"

"sure ate!"

tumayo na sya at nagpunta naman sa ate niya, nakita sya ni Joshua kaya tumabi na lang ito kay Ara.

"ate!"

"oh, Nathalie, bakit?"

"wala naman, iniiwasan ko kasi si Joshua eh."

"bakit naman?"

"Wala naman, kasi hinalikan niya ako kanina, hindi lang ako sanay. Humph, sige ate dun muna ko sa garden."

Iniwan na niya ang kapatid niya at nagpunta sa garden nila para hindi na sya sundan ni Joshua.

"siguro naman hindi niya na ko masusundan dito!"

naupo sya sa damuhan at tinignan ang langit, pumikit sya sandali at nag isip isip

Nathalie's POV:

ilang araw na lang Mrs. Garcia na ko! tapos ilang months lang magkakaanak kami Joshua! naku po! ayoko pa! huwag muna! bata pa ko! teka! bakit biglang dumilim?

pagdilat niya andun si Joshua at nakangiti sa kanya.

"andito ka lang pala eh!"

bigla syang tumayo at nagkauntugan silang dalawa.

"aray! kanina ka pa ah! kanina mata ngayon noo naman! ano ba!"

"bakit mo ba kasi ako sinusundan!"

"kasi wala akong kausap!"

"iniiwasan nga kita dikit ka naman ng dikit sa akin!"

"bakit mo ba kasi ako iniiwasan?"

"eh kasi naman! bakit mo ba ko hinalikan sa harap ng mga kapatid ko kanina! pa akap akap ka pa dyan! hinawakan mo pa yung kamay ko!"

"ganun talaga! tsaka dun naman ang ending eh."

"anong ganun talaga! kung maka asta ka! hindi mo ko girlfriend!"

"palibhasa kasi hindi mo naranasan na magkaroon ng karelasyon!"

"ewan!"

"ewan ko rin sayo!"

"dun ka na sa bahay niyo!"

"ayoko dun! dito lang ako kasama ka!"

"che!"

tumayo na sya at iniwan sya sa labas. Dumiretso sya sa kwarto niya at nagkulong. Si Joshua naman umakyat din at pinilit katukin si Nathalie.

"Nathalie, papasukin mo naman ako oh, san ako matutulog?"

"bahala ka sa buhay mo! umuwi ka na!"

narinig sila ng ate niya at umakyat, nakita niyang nakatayo sa labas ng kwarto ni Nathalie si Joshua at nagmamaka-awang papasukin sya nito.

"ano bang nangyayari dito?"

"ayaw po kasi akong pagbuksan ni Nathalie eh."

"dun ka na muna sa kwarto ni Nadine at baka gusto lang muna ng space ni Nathalie. Palilipatin ko na lang sya dito kay Nathalie."

"sige po, salamat po."

binukas ni Natasha ang kwarto ni Nadine, iniwan na nya ang mga unan para may magamit si Joshuasa pagtulog, iniwan na niya ito.

"Sana makatulog ka ng mahimbing at wag mo ng isipin king ano man ang napag-awayan niyo ni Nathalie, palipasin niyo na yun. Pareho lang kayong pagod. Maiwan nakita :)"

Umalis na sya at iniwan si Joshua at kinatok naman si Nathalie.

" Nathalie, tabi na kayo ni Nadine dyan ah? Nandun sa kwarto niya si Joshua eh, okay?"

Narinig niyang hindi na sumagot si Nathalie, ibig sabihin, tulog na ito.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon