The Party

2 1 0
                                    

Maganda ang ayos ni Nathalie habang papunta sa isang party. Ang party na iyon ay ang reunion nila ng mga kaklase niya nung elemntary, inimbitahan siya ni Joseph at Josephine ang kambal niyang best friends dati. Makalipas ang ilang minuto ay narating na niya ang venue, nakita niya sa labas ang mga kaklase niya na masayang nagtatawanan at ng makalabas siya ng kotse ay masaya itong binati.

"Nathalie?" tanong ni Gerald, ang kaklase niyang lagi niyang sinusuntok.

"Gerald!" salubong niya ito ng akap "kamusta na kayo?" sunod na tanong niya

"alam niyo ba na manager na tong si Jasper ng isang restaurant! at ang ganda pa ng asawa niya!" sabi ni Ashton na kalaro ni Nathalie

"wow!" sabay sabay nilang sigaw

napatingin sa loob si Nathalie ng makita niya si Joshua at papunta ito sa kanila kasama si Joseph, magka akbay ang dalawa at masayang nagtatawanan. Hindi niya akalain na kaklase niya pala ito ng elementary. Bumalik sya sa pakikinig sa usapan ng mga kaklase niya, napatigil sila ng dumating sina Joseph at Joshua. Tinapik nila ang mga balikat nito at kinamusta.

"Hindi mo naman sinabi na kayo pala nagkatuluyan nitong mokong na to." sabi ni Joseph

nagsigawan ang mga lalaki at sabay sabay nagtawanan. Hindi sila magkatinginan dahil sa hiya, hinatak ni Gerald si Nathalie at tinabi kay Joshua. Sa lakas ng hatak nito ay nasubsob sya at tumama sa dibdib ni Joshua lalong nagsigawan ang mga lalaki at nagsilabasan naman ang iba pa nilang kaklase dahil sa ingay nila. Nagsimula na rin ang party tutal naman ay nandun na ang lahat, kahit may sama pa rin ng loob si Nathalie sa asawa niya ay nagpanggap na lang siya kaya hinawakan niya ito at kunwaring sweet, nakisakay na rin ito sa kanya.

Habang kumakain, hindi makapaniwala ang mga kaklase nila sa kanilang dalawa.

"hindi niya ba natatandaan dati? natatandaan ko pa nun laging ginagawa ni Joshua na singsing yung pritos ring tapos isusuot niya dito kaso kakain naman ni Nathalie." kwento ni Josephine

"ang gusto ko nung sinapak ni Nathalie si Joshua kasi tinapunan niya ito ng tinta ng my gel sa collar ng uniform." sabat ni Rea

"ang malala! nung nakipaglaban si Joshua kay Victor, ung sa ibang section? kasi daw crush niya si Nathalie." kwento ni Jasper

napahigpit ang hawak ni Nathalie kay Joshua ng marinig niya iyon, Hindi aakalain na may ganun palang nangyari sa kanila kahit nung bata pa sila, pinilit niyang tumawa pero deep inside naalala niya ang away nila nung isang linggo.

"Nathalie, di ba magkaklase kayo ni Victor nung college?" tanong ni Ted

"Oo." sagot niya

"tapos magkaklase kayo, Joshua hanggang high school?" tanong naman ni Bernadette

"Oo." sagot nito

"abay matinde!!!!" sabi ni Mark

"actually dapat liligawan ako ni Victor kasi dahil nga sa pananamit ko, akala niya tomboy ako."

"awww..." sabay sabay na reaksyon ng mga kaklase nito

"pero wag ka ng mag alala! asawa mo na naman si Joshua eh!" sagot ni Rose

"bakit ka ba kasi lumipat ng school?" tanong ni Tony sa kanya

"wala eh, family business."

"sayang! eh di dapat kaklase ka namin nung grade four! Section A ka sana oh! hinahanap ka nga ni ma'am eh!" kwento ni Karen

"pero ang tibay nitong si Joshua! bago crush! si Kelly? yung galing Europe? ganda kaya nun!" kwento naman ni Atom

pinilit pa ding ngumiti ni Nathalie kahit na ang pinag uusapan na nila si Kelly. Pasimple syang umalis sa kinauupuan at kunwaring magpupunta ng Comfort Room.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon