Evil Joshua and Janine

37 1 0
                                    

Paglabas nila ng fast food, hindi na naman tinulungan ni Joshua si Nathalie dahil nakuha na nito ang gusto nito, ang maka-kain.

"hoi lalaki! tulungan mo naman ako dito!"

"ayoko nga! bigat bigat nyan eh! tsaka okay na ko! naka kain na ko eh!"

"anak ng! lalaki ka ba o bakla?"

"hindi lang nagbibitbit bakla na agad?"

nagulat sya ng may biglang lumapit kay Joshua at inakap ito. Si Janine, nakilala niya lang ito sa isang party at simula nun naging sila, hindi naman ganun kaseryoso ang relasyon nila.

"babe!"

pagtapos niyang kin ito ay nagfrench kiss sila sa harap ni Nathalie, umiwas sya agad ng tingin. Pagtapos nilang maghalikan tinignan sya ni Janine from head to toe.

"sino ka? yaya ka ba ni Joshua? uhm.. pakidala naman tong bag ko."

hinagis niya ito kay Nathalie at tinamaan ito sa mukha at dahil dun pinagtawanan siya ng dalawa sabay alis.

Nathalie's POV:

sira ulo! magjowa nga kayo parehong masama ugali niyo! humanda kayo sa akin sa bahay! Lord! bigyan niyo pa po ng isang metro ng pasensya dahil kapag hindi ako nakapagpigil ay baka masaktan ko tong dalawang to!

Pagdating sa bahay naupo lang ang dalawa ang nagharutan sa sofa samantala masamang nakatingin sa kanila si Nathalie, nahuli sya ni Joshua na nakatingin sa kanila

"ngayon ka lang ba nakakita ng magsyota?"

"ah, hindi naman, sige magluluto na ko."

Nathalie's POV:

chura naman! feeling niya inggit ako! excuse me! lagyan ko pa ng lason yung pagkain nila eh!

Nakita niyang pumasok ng kwarto ang dalawa at naiinis niyang nilabas ng pinamili niya mula sa plastic.

Pagtapos niyang magluto ay kinatok niya sila sa Joshua pagbukas nito ng pinto nagulat sya dahil nakaboxers lang si Joshua

"ano? kakain na? tara na babe! nagugutom na ko."

lumabas na si Joshua at si Janine naman suot suot ang tshirt ni Joshua

Nathalie's POV:

ano ba tong dalawang to! gagawa pa ng anak ng wala sa oras! tsk! patay gutom ata tong si Joshua eh! may dragon sa tyan!

tinawag sya ni Joshua para saluhan sila ni Janine

"tara dito samahan mo kami!"

"hindi na, magpapahinga lang ako,"

"k fine. kain na tayo babe ayoko ng maarte, inaalok ka na nga nag iinarte pa!"

tumingin sa kanya Joshua at nginitian naman sa sya ni Nathalie

Nathalie's POV:

huwag mo kong intayin mapuno maldita ka! ipapakain ko lahat sayo yan kasama yung plato!

"edi maupo ka na lang dito."

"hindi na, dito na lang ako sa labas tawagin niyo na lang ako pagtapos na kayo."

lumabas muna sya at nagpahangin. Napabuntong hininga sya dahil sa hirap na naranasan niya,

Nathalie's POV:

grabe! ang hirap naman, ganto pa lang pakiramdam kapag pinaghihirapan mo ang isang bagay. Okay lang yan Nathalie, masasanay ka din.

Napatingin na lang sya sa ulap at pinanuod na mawala ang araw.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon