Face the truth

44 4 3
                                    

Pag uwi ni Nathalie sa bahay nila agad syang sinalubong ng ate niya sa labas ng bahay nila.

"ate, anong ginagawa mo dito?"

"Nathalie, andyan na sila at gusto ka nilang makausap. Basta magpanggap ka na lang pumapayag sa gusto nila para wala ng away."

"pero ate,"

"sige na, Nathalie."

pumapadyak na pumasok sa loob si Nathalie

"anak, gusto ka naming makausap, maupo ka sandali." sabi ng mommy niya

tahimik lang na naupo si Nathalie at hindi makatingin sa kanila ng diretso.

"buti naman at umuwi ka, gusto ka lang namin kausapin tungkol sa kasal mo, bukas mamemeet na kayo ng fiance mo at ipapakita namin ang mga souvenirs, invitations at ang wedding dress mo. Isang linggo na lang at kasal mo na kaya ihanda mo na ang sarili mo. Naiintindihan mo ba?" sabi naman ng daddy niya."

"opo, sige po aakyat na po ako."

nagmadali sya sa pag akyat at pagpasok sa kwarto hinagis niya ang bag niya at nahiga sa kama.

Nathalie's POV:

nakakainis talaga! ayoko ngang magpakasal! tsk!

sa sobrang galit niya napaiyak na lang sya habang nakahiga.

----Joshua's Residence---

Nagulat si Ara sa pag uwi ng kuya niya.

"O kuya? napauwi ka ata?"

"laki mo na ah?"

"kuya, grabe ka naman, isang buwan lang naman ang diperensya simula ng umalis ka dito."

"andyan na ba sila mama?"

"oo, iniintay ka nga eh."

"asan ba sila?"

"nasa sala, sige na kuya, papasok na ko."

"ingat ka!"

"bye!"

pag alis ni Ara nagpunta na sya sa sala. Nakita niyang nanunuod ng TV ang mga magulang niya, tumayo sya sa harap nila at sinabi

"andito na po ako,"

"maupo ka at kakausapin ka namin para sa kasal mo. Bukas, makikilala mo na ang fiance mo at papakita na din namin sa inyo ang mga invitations atbp. bukas ng gabi."

kahit naiinis tumango na lang si Joshua at umakyat na sa taas.

"sige po, aakyat na po ako."

habang paakyat sya biglang tumawag sa kanya si Nathalie.

"bakit?" tanong niya kay Nathalie

"pwede ba tayong lumabas nababad vibes ako dito eh."

"ako nga rin, magkita na lang tayo sa MOA, sa seaside"

"sige,"

"bye!"

pagtapos nun, binaba na nya ang bag niya sa kwarto at lumabas na ulit.

Mabuti naman at nagkita sila agad ni Nathalie sa seaside sa MOA, naglakad lakad muna sila, nilibre sya ni Joshua ng ice cream at nagpatuloy sa paglakad. Nakita ni Joshua na may dumi sa bibig si Nathalie,

"brad! may dumi ka sa bibig mo."

"san?"

hindi makapa ni Nathalie kung san kaya si Joshua na lang ang nagpunas nito

"yuck!"

"ikaw din eh!"

"san?"

nilagyan ni Nathalie ng ice cream ang bibig ni Joshua at nagpatuloy sa paglalakad pero binatukan sya nito at pinunasan ang bibig niya.

"bakit ka ba naka-shades?"

"wala, yung tatay ko kasi eh."

"nag-away kayo?"

"ayoko kasing magpakasal"

"ako nga din eh,"

napatigil si Nathalie at tinignan sya. Nagtaka naman si Joshua at tinignan sya

"bakit?" tanong nito sa kanya

"hindi kaya ikaw ang groom ko?"

"nagpapatawa ka ba?! ang dami daming lalaki dyan oh! tsaka kung ikaw man yung bride ko eh, wag na lang."

"kung wag kaya tayong magpunta sa kasal natin? takas tayo?"

"yung parang sa TV?"

"Oo!"

"baliw!"

inakbayan sya ni Joshua pero wala naman itong malisya kay Nathalie at nagpatuloy lang sila sa paglakad.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon