Destroyed Proposal

30 1 0
                                    

Nagising ng wala sa oras si Natahlie dahil sa pagring ng cellphone niya. Tumatawag sa kanya si Victor.

"hello?"

"Nathalie! Punta kayo mamaya ni Joshua dito sa hotel mamaya ah? sa rooftop?"

"anong oras na ba?"

"six o'clock. punta kayong seven. okay?"

"bye."

tinapos na niya ang usapan nila at pumikit ulit pero tila hindi na sya makatulog. Dumilat na sya at naupo, luminga linga para hanapin si Joshua pero hindi pa rin ito dumadating, napatingin sya sa ilalim ng kama nila at nakita ang pulang tela kaya hinatak niya para makita at tumambad sa kanya ang isang bra. Isa lang ang naisip niya kundi si Kelly dahil alam niyang kaya niyang agawin ito sa kanya, sinira ni Joshua ang tiwala niya. Habang inisip niya yun hindi niya mapigilang maiyak. Narinig niyang paparating na si Joshua pero hindi niya ito pinagbuksan at hinayaang syang makapasok. Paglapit nito sa kama ay nagulat sya sa pag iyak nito at nakita ang bra ni Kelly.

"Nathalie..."

nakatingin lang ito sa kanya at patuloy ang pag iyak. Lumuhod ito sa harap niya at maluha luhang nagsorry sa kanya.

"Mag ayos ka na lang, iniimbitahan tayo ni Victor sa pinuntahan nating hotel kanina, engagement niya ngayon."

tumayo na sya at pumasok sa loob ng banyo pero imbes na maligo sya ay patuloy ang pag iyak niya. Hindi alam ni Joshua kung ano ang gagawin niya, naiyak na lang din sya habang nakatingin sa pintuan ng banyo.

____________________________________________________________

Makalipas ang isang oras ay nagpunta na sila sa Hotel na sinasabi ni Victor. Masaya silang sinalubong nito at natawa sa kanila.

"dude? wala ng araw! bakit pa kayo nakashades?"

"ah wala, nakaka iyak kasi yung pinanuod namin ni Nathalie." sagot ni Joshua

"Oo, tsaka trip lang namin gayahin yung mga bida, feeling star."

" by the way, upo na kayo. Darating na yung fiancé ko."

nakita nila ang anino ng isang babaeng paakyat at ng lumabas na ito ng pinto ay nagulat sila dahil sa Kelly ang fiancé ni Victor. Pinigilan ni Nathalie ang masaktan ito dahil ayaw niyang sirain ang proposal ng kaibigan niya. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha niya kahit naka-shades sya at agad niyang pinunasan iyon dahil baka mahalata sya ni Victor. Nakita niya na lang na lumuhod na si Victor at nagpropose kay Kelly.

"Kelly, Will you marry me?"

tumingin ito kay Joshua bago sagutin si Victor. Napatingin din si Victor kay Joshua, tumayo ito at sinara ang box na hawak niya.

"Sya ba?"

nagtaka ang dalawa sa sinasabi ni Victor. Nagulat sila ng biglang sapakin nito si Joshua, agad naman silang inawat ng dalawang babae. Bumitaw si Victor kay Kelly

"Sya ba yung first love mo na hinding hindi mo malimutan?"

hindi na mapigilang maiyak ni Kelly at tumango kay Victor, hindi nito maiwasang mapamura ng makapumpirma na nito ang relasyon nila. Agad naman syang sinampal ni Nathalie at inawat naman sya ni Joshua.

"May nangyari ba sa inyo?"

tumingin ito kay Nathalie at hinawakan sya sa kamay. Naiyak na lang si Nathalie at sinampal ulit ito.

"Tigilan mo na ang asawa ko!"

bumitaw sya dito at tumingin naman kay Joshua

"Pinagkatiwalaan kita dahil akala ko ayaw mo na sa kanya pero hindi pala, hanggang salita ka lang."

lalapit sana si Joshua sa kanya pero umatras sya at pinangunahan na ito.

"Sana kayang masolve lahat ng problemang idinulot niyo sa amin ni Victor ang simpleng sorry na yan."

umalis na ito at nagtaxi na lang pabalik ng hotel. Naiwan lang sina Kelly at Joshua dahil umalis na din si Victor sa sobrang inis nito.

"Joshua..."

"tama na! ano pa bang gusto mong gawin ko? Magmove on ka na! pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo sa akin kahit na pinapakita ko na ayoko na."

lumapit ito sa kanya ngunit sinampal lang sya nito saka umalis. Wala na syang nagawa kundi umiyak at magsisi. Naisip niya na baka tama si Joshua, kailangan na niyang magmove on at kalimutan ang lahat. Wala na syang pag asa, hindi na sana sya umasa.

My Lovely NathalieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon