Naaasiwa ako sa kanya. Naaasiwa ako kay Travis. Hindi ko alam kung bakit tila ba parati na lang akong kinakabahan sa tuwing kasama ko siya. Hindi naman sa sinasabi kong may gagawin siyang masama sa akin. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Hindi ko lang alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot sa tuwing nasa iisang lugar lang siya kasama ko.
Alam mo ba yung kinakabahan ka sa maaari niyang isipin sa 'yo? Ganoon ang nararamdaman ko.
Natatakot ako na baka sumama ang tingin niya sa akin. Natatakot ako sa maaari niyang isipin sa akin.
"Namumutla ka, Empress?" natatawang puna ni Lucas bago umupo sa tapat ng mesang kinauupuan ko. "May problema ka ba? Mukha kang nakakita ng multo, ah?"
"Wala naman," sagot ko na lang bago ngumuso sa kanya.
Pinagmasdan ko siyang kumuha ng pickled radish sa food tray ko. Huhuni-huni pa siya nang sinubo niya iyon sa harapan ko na mas lalo lamang ikinakunot ng noo ko.
"Bakit ba hindi ka na lang ulit manghingi ng pickled radish sa server?" asik ko na tinawanan niya. "Huwag mo ngang bawasan ang pagkain ko."
"Ang damot mo naman," sagot niya na lang na inismiran ko.
Agad akong napahinto sa pag-ismid nang makita ko si Travis na ngayon ay kunot noong nakatitig sa aming dalawa ni Lucas. Nakaupo siya sa kabilang mesa. Tulad ng nakagawian ay mag-isa na naman siyang kumakain. Maraming napapatingin sa gawi niya kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso.
Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya?
Malinis siya sa katawan. Mabango. Matalino. Gwapo. Matangkad. Perpekto. Halos lahat na yata ng magandang katangian na hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya na.
I wonder kung may pag-asa nga ba akong magustuhan niya?
Maganda naman ako. Mayaman din naman. Marami rin namang nagkakagusto sa akin sa campus. Tuwing uwian, nakakatanggap ako ng mga letters galing sa mga admirers ko. Pati nga mga college students napapagawi sa building namin para lang dalhan ako ng bulaklak.
Ano kaya yung tipo niya sa babae?
Magugustuhan niya kaya ako kung ganito ko patunguhan si Lucas? Gusto niya kaya ng madamot na babae?
Matamis akong lumingon kay Lucas na ikinakunot naman nito ng noo. Kinuha ko ang pickled radish na sinusundan niya kanina ng tingin at halos lumawak ang ngiti niya nang inilagay ko ito sa food tray niya.
"Anong nakain mo?" tanong niya na animong natatawa pa sa ginawa ko. "Nakokonsensya ka ba, Empress? Really?"
"Nagpapaka-good girl lang ako," nakangiti kong sagot sa kanya bago lumingon sa mesa ni Travis kanina. Agad kong nakagat ang dila ko nang hindi ko na siya makita pa sa upuan niya kanina. "Nasaan na yon?"
Nang hindi makuntento ay napatayo pa ako sa upuan ko at mariing nilibot ang mga mata ko sa cafeteria kung nasaan kami ngayon. Nang dahil sa dami ng estudyanteng kumakain roon, hindi ko na siya muling nakita pa kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumibangot at pabagsak na lang na naupo.
"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?"
Kakagatin niya na sana ang pickled radish na ibinigay ko sa kanya. Bago niya pa man ito makagat, dali-dali ko na itong kinuha sa chopstick niya na naging dahilan kung bakit tuluyan niya nang nakagat ang dila niya.
"Ang akala ko ba—"
"Akala mo lang yon," singhal ko bago ngumuso. "Nagbago na isip ko."
Tinapos lang namin ang pagkain sa cafeteria bago kami nagdesisyon ni Lucas na magpalipas ng oras sa garden. Tulad ng inaasahan ko, naroroon na naman ang mga lalaking patuloy lang sa panliligaw sa akin. Bago pa man sila makaabot sa pwesto ko, naroon na si Lucas upang harangin sila. May iba naman sa kanila ang umuurong dahil sa tuwing makikita nila si Lucas, tila ba nawawalan na sila ng lakas ng loob pang lumapit sa akin, kaya ang ending...
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...