CHAPTER 3

58 1 0
                                    

Ang buong akala ko, kapag nasa tuktok ka na, wala ng kung sino pa ang makakahila sa 'yo paibaba. Ang akala ko, kapag nasa tugatog ka na ng karangyaan, wala ng kung sino pa ang makakapag pabagsak sa 'yo.

Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

"Ano?" singhal ko dahilan upang marinig ko ang pagpalahaw sa kakatawa ni Kuya Lucho. "Sinong nagdesisyon niyan? Ayoko, Mommy. Ayoko!" patuloy ko pa sa pagtanggi.

Walang nagawa si Mommy sa screen ng laptop ko kung hindi ang dismayadong umiling nang makita niya ang reaksyon ko. Hindi niya ako masisisi—hindi nila ako masisisi!

Nagdedesisyon na lang sila nang biglaan ng hindi man lang ako tinatanong kung pumapayag ba ako? Kahit sino naman ay magugulat sa ibinalita nila sa akin, hindi ba?

Ang sabi ni Kuya Lucho ay dito lang kami magbabakasyon. Pumayag ako dahil sa kagustuhan nila. Ang buong akala ko bakaayon lang. Wala naman silang sinabi sa akin na dito na pala ako mag-aaral ngayong taon! Hindi naman porket pumayag ako nung una, papayag na rin ako sa kagustuhan nila ngayon. Ano sila, sinuswerte?

Buong buhay ko, naging rebelde ako sa mga magulang ko. Hindi naman sa gumagamit ako ng drugs. Ni minsan ay hindi ako nakinig sa lahat ng payo nila, at ako lang ang ganito sa pamilya namin. Yung dalawa kong nakatatandang kapatid, sila yung mga aso ng parents ko. Never akong pumayag sa lahat ng gusto nila kaya naman natitiyak kong may sama sila ng loob sa akin.

Sino nga naman kasi ang susunod sa kanila kung ganito na lang parati ang inuutos nila sa akin?

"Sige na, Faye. Ngayong taon lang naman. Kailangan lang talaga ng kuya mo ng makakasama d'yan. Kung wala nga lang akong trabaho, baka nga ako na ang nandyan para magbantay sa kanya. Ang kaso ay may trabaho ako rito. May trabaho kami rito ng daddy mo, anak," patuloy niya pa sa paliwanag.

Masama ang loob kong lumingon kay Kuya Lucho na ngayon ay nakangising nakasandal sa pintuan ng kwarto ko habang nakahalukipkip. Base sa mukha niya, tila ba tuwang tuwa siya sa desisyon ng mga magulang ko.

Tuwang tuwa talaga siya kapag nakikita niya akong naghihirap, ano? Kuya ko ba talaga yang pugitang yan?

"Pangako, isang taon lang. Kapag nasanay na si Lucho dyan, pababalikin na kita rito sa Barcelona," dagdag pa ni Mommy na nginusuan ko na lang bago marahang tumango sa desisyon nila. "Salamat, anak. Wag kang mag-alala. Kapag nagkaroon kami ng time ng daddy mo, bibisitahin ka namin dyan sa Pilipinas."

Sa halip na sumagot ay nagdesisyon na lang akong tumango sa kanya. Paulit-ulit ang paghingi niya ng paumanhin na di kalaunan ay tinanggap ko rin naman.

Ano nga bang karapatan ko para h-um-indi? Nandito na ako, eh. Nandito na kami.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" singhal ko kay Kuya Lucho nang nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

Nakita ko si kuya na nagkakape sa living room. Tulad ng nakasanayan ko na, simula nang manirahan kami rito sa Pilipinas, wala na siyang ibang inaatupag kung hindi ang magbasa ng mga libro at magazines. Kailangan niya kasi lahat ng iyon para sa case study na ginagawa niya ngayon.

"Hindi ko na napansin ang araw. Ngayon ko nga lang nakita," saad niya sabay higop ng kape. Nakita niya akong nag-aayos ng boots na susuotin ko kaya naman mabilis na siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Ihahatid na kita, Faye."

"Hindi na kailangan, Kuya. Sasakay na lang ako ng bus."

Natawa siya nang dahil sa isinagot ko sa kanya kaya naman kunot noo ko pa muna siyang tiningala at inismiran.

"Kaya mo ba?" panunuya niya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mapaglarong ngumisi sa kanya.

"Of course. Tingin mo sa akin, bata?" tanong ko bago lumapit sa kanya at humalik sa cheeks niya. "Mauna na ako."

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon