Totoo ba iyon o baka naman ginu-good time lang ako ni Nathalie? Alam ni Nathalie kung gaano ko kagusto si Travis kaya natitiyak ko ring alam niya ang lahat ng tungkol sa kanya na sasabihin niya. Alam kong paniniwalaan niya.
Ano nga bang point para magsinungaling siya sa akin? Magkaibigan kaming dalawa ni Nathalie kaya anong point? Gusto niya bang makaganti sa akin dahil gusto ko rin si Travis at sinaktan siya nito o baka naman hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya ang ginawa nito?
May parte sa akin ang naniniwala kay Nathalie. Hindi ko alam pero tila ba sobrang laki ng tiwala ko sa kanya. Mali ba itong ginagawa ko ngayon?
Eh, sa gusto ko siya, eh, anong magagawa ko?
Hindi ko na ginising si Kuya Lucho para magpahatid sa kanya. Alas singko pa lang ng umaga ay nagpa-book na ako ng taxi patungo sa Southville. Hindi ko alam kung ganitong oras pa rin pumapasok si Travis, pero sana... sana tama ako sa inakala ko.
Ilang oras din akong nanatili sa posisyon ko sa likod ng mga damo habang hinihintay ang pagdating ni Travis. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ganitong oras pa rin ba siya pumasok sa klase. Hindi ko na rin naman siya nakikitang naglalagi sa classroom namin, so wala talaga akong ideya. Pwede namang pumapasok siya nang maaga pero sa ibang lugar siya nagpapalipas ng oras, hindi ba?
Agad na naglaho ang mga what if ko nang bigla ko na lamang nakita si Travis na ngayon ay kasalukuyang naglalakad sa pathway. Katulad ng nakagawian, seryoso na naman ang mukha nito. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makikita ko siya, palagi na lang nakakunot ang noo niya.
Mukha siyang wala sa mood palagi. Mas lalo lang nadedepina ang galit sa mukha lalo na sa tuwing magkikita kami sa iisang lugar.
Ganito talaga siya kagalit sa akin, ano?
Mabilis akong nagtatakbo patungo sa kanya upang makahabol. Tulad ng inaasahan ko, agad na nangunot ang noo niya nang marahas ko siyang hinila sa braso na ikinatigil niya sa paglalakad.
"Good morning, Travis," ngiti ko sa kanya.
Bumaba nang bahagya ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. May gumuhit na init sa mukha ko nang dahil sa hiya kaya naman mabilis ko rin siyang binitawan.
"A-Actually kanina pa kita hinihintay," dagdag ko pa dahilan upang mag-angat siya ng tingin sa akin. "May mga bagay lang sana akong itatanong sa 'yo."
"Like what?"
Bakas ang inis sa tono ng pananalita niya kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso bago nagbaba ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay malulusaw ako sa mga tingin niya sa akin.
Siya lang yung nakakapagparamdam sa akin ng ganito. Pakiramdam ko, wala akong kwenta kausap kapag siya ang kausap ko. Nakakapanghina.
"Like... kung kararating mo lang?"
Agad na nangunot ang noo niya nang dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung sadyang wala lang ba talagang laman ang utak ko para makabuo ng tanong na itatanong sa kanya o sadyang natutuliro lang ako sa tuwing nasa harap ko siya!
"I-I mean... kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito," sagot ko while pointing sa area kung saan ako nagtago kanina habang naghihintay sa pagpasok niya.
"Then?"
"W-Wala kasi akong kasamang pumasok, so..."
Sarkastiko siyang ngumisi sa harapan ko na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko kanina.
"Bakit hindi ka magpasama sa best friend mo?"
Bahagya akong ngumiwi nang marinig ko ang sinabi niya. Si Nathalie ba ang tinutukoy niya? Don't tell me nagseselos na siya ngayon sa akin dahil ako na ang palaging kasama ni Nathalie instead of him?
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...