"Sa 'yo galing ang bagay na iyon, Empress Faye?"
Halos manliit ako sa posisyon ko nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingala sa kanya. Alam kong nakikita niya na ang takot na bumabakas sa mga mata ko. Hindi ko rin naman ito nagawang itago dahil, para saan pa gayong alam ko na rin naman kung saan hahantong ang lahat ng ito, hindi ba?
Travis, Travis, bakit kasi ang hirap mong abutin?
"Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko bago siya hinawakan sa dibdib upang itulak palayo sa akin.
Ni hindi man lang siya umatras sa ginawa kong panunulak sa kanya kaya naman ako ang bahagyang napaatras sa kinatatayuan ko. Hindi ba siya natatakot? Baka may estudyanteng bigla na lamang lumusot dito sa school garden at baka makita kami nang ganito? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nagkataon?
"Sa 'yo galing ang bagay na iyon," aniya.
Ni hindi na nagtunog pangunguwestyon ang sinabi niya!
"A-Anong sinasabi mo, Travis?" singhal ko pa bago napasandal sa bench na nasa gilid ko. "Pwede bang lumayo ka sa akin? You're invading my personal space!"
"Ano bang tawag sa ginagawa mo ngayon?" tanong niya na hindi ko sinagot. "Empress Faye, kailan ka ba magma-matured?"
"Ano ba kasing sinasabi mo?"
"Stop acting like you don't know what you did!" singhal niya na ikinatikom ko ng bibig. "Sa 'yo nanggaling ang bagay na iyon, tama?"
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Travis! And please, stop accusing me for the things na hindi ko naman ginawa! Hindi lang ako ang may gusto sa 'yo, okay? Anong tingin mo sa akin? Obsess sa 'yo?" singhal ko sa kanya bago umismid. "I don't know what you're talking about!"
"That pipitchuging boxer shorts," saad niya sabay duro sa building kung saan kami nanggaling kanina. "That is what I'm talking about, Empress Faye! Sa 'yo nanggaling ang pipitchuging boxer short na iyon—"
"That's not pipichugi and don't call it pipitchugi!" singhal ko sa kanya na bahagya pang ikinakunot ng noo niya. "Ginamit ko ang allowance ko para lang mabili ang boxer short na iyon. Alam mo ba kung saan ko pa pinahanap iyon? Galing pa sa States iyon! Class A ang tela no'n at stretchable iyon! Don't call it pipitchugi dahil elastic ang waist band no'n. No matter what size your peni—"
"Shut up," namumula niyang sambit na ikinatikom ng bibig ko. "So, sa 'yo nanggaling ang boxer short na iyon, Empress Faye?"
Wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Ilang beses ko nang p-in-ractice ang lines na ito pero bakit... bakit nga ba hindi ko maiwasang magsinungaling kapag siya na ang kaharap ko?
Gusto ko lang naman siyang bigyan ng regalong alam kong hinding hindi niya makakalimutan.
"Sa harap mismo ng klase, Empress?"
"Wala akong magagawa dahil wala ka namang interes na makipag-usap sa akin, Travis."
"At kasalanan ko pa talaga?" singhal niya na lihim kong inismiran. "This is too much, Empress. Kailan ka ba talaga magma-mature?"
Anong tingin niya sa akin immature? Minamahal ko lang naman siya, ah? Masama ba talagang magmahal?
"Bawal na bang magbigay ng gift sa 'yo Travis?"
"Hindi regalo ang tawag doon, Empress Faye! Pinahiya mo lang ako. Pinahiya mo lang ang sarili mo," singhal niya dahilan upang agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "I can't believe you. Ang buong akala ko matured ka, hindi ko naman inaasahan na mas matured pa pala sa 'yo si Nathalie."
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...