CHAPTER 5

45 1 0
                                    

Tila ba mas lalo lamang nagpantig ang tenga niya nang dahil sa sinabi ko. Marahan siyang lumapit sa direksyon ko nang may galit sa mga mata niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang taimtim na lang na manalangin habang paulit-ulit na nagdadasal na sana ay hindi niya ako suntukin sa oras na maubos ang pasensya niya sa akin.

Mariin niyang hinawakan ang braso ko na nagbigay ng kuryente sa buo kong katawan. Mas lalo lamang nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niya akong sinandal sa locker na nasa likuran ko. Kahit na nanginginig sa takot ay nakuha ko pa rin siyang titigan nang maayos kahit na medyo nawawala na rin ako sa sarili ko.

"Kaya mo 'yan, Faye. Ginusto mo 'yan, 'di ba?" bulong ko sa isip kasabay ng pagkagat sa dila. "Tiisin mo. Ginusto mo ang atensyon niya, 'di ba? Eto na 'yon."

Natatakot ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano nga bang mayroon kay Travis na ikinakatakot ko. Normal lang naman siyang tao tulad ko. Normal lang din naman siyang kumilos tulad ko. May buhay siyang tulad ng buhay na mayroon ako. Maayos rin naman siya kung makitungo sa ibang tao kaya naman hindi ko maisip kung ano nga bang mayroon sa kanya na nakakuha sa atensyon ko.

Tingin ko, ako lang din naman yata ang pinakikisamahan niya ng ganito. Nakikita ko siyang ngumingiti sa tuwing kinakausap siya ng mga guro namin. Maayos niya rin namang pakitunguhan yung iba naming kaklase kaya naman hindi ko talaga maisip kung bakit ganito na lang niya ako kung pakitunguhan.

May mali ba sa akin? May ugali ba ako na pwede niyang kaayawan?

"Ano bang nagawa kong kasalanan sa 'yo at bakit ganito mo na lang ako ka-disgusto?" tanong niya habang mariing nakahawak sa braso ko.

"N-Nasasaktan ako, Travis."

"Answer me," he demanded habang patuloy sa paghawak sa braso ko.

Base sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin, para bang natatakot siyang tumakas ako. Natatakot siyang takasan ko siya sa kasalanang ginawa ko sa kanya.

Agad din akong nakaramdam ng paninigas sa sinabi niya.

Bakit ko nga ba siya kinaaayawan? Ano ba ang mayroon sa kanya na ayaw ko? Ayaw ko sa kanya? Ano nga bang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya?

Dahil ba sa gwapo siya? Dahil nga ba sa matalino siya kumpara sa akin? Dahil nga ba sa gusto siya ng lahat hindi tulad ko at ni Lucas?

Baka naman hindi ko siya gusto dahil nagseselos ako sa kanya. Ako magseselos sa kanya? Bakit ko pagseselosan ang taong gusto ko?

Baka naman kinaaayawan ko siya dahil sa paraan ng pakikitungo niya sa akin? Tama! Kinaaayawan ko siya dahil sa paulit-ulit niyang pambabalewala sa akin. Nakakaramdam ako ng pananabang sa puso sa tuwing binabalewala niya ako at alam kong iyon ang dahilan kung bakit kinaaayawan ko siya.

Bakit nga ba big deal para sa akin ang mapansin niya ako?

Siya lang ang kaisa-isang tao na nakakapagparamdam sa 'kin ng ganito. Siya lang ang kaisa-isang tao na naging dahilan kung bakit ko nga ba paulit-ulit na kinukuwestiyon nang ganito ang sarili ko.

Hindi ko rin magawang komprontahin ang sarili ko dahil maging ako ay nalilito sa mga ikinikilos at nararamdaman ko sa tuwing magsasalubong kaming dalawa o kaya naman ay nagkakaroon kami ng tiyansa na magkasama sa iisang lugar.

Aaminin kong kumukulo ang dugo ko sa tuwing itinuturing niya akong hangin na nasa paligid niya. Para bang balewala para sa kanya ang presensya ko. Para bang nakakaramdam lang siya ng hangin sa tuwing nasa tabi niya ako.

Ewan ko ba.

Maging ako ay hindi kumbinsido sa mga rason ko.

"Bakit para bang ang lalim ng galit mo sa akin gayong ngayon lang naman kita nakilala?" muli pa niyang tanong na hindi ko maintindihan. Wala rin naman akong matandaan na nagkrus na ang landas nating dalawa dati."

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon