CHAPTER 47

25 0 0
                                    

"Ang aga-aga, nakabusangot na naman iyang mukha mo," natatawang puna ni Nathalie.

Sa totoo lang ay paulit ulit na bumabagabag sa isip ko lahat ng sinabi ni Celeste at Georgina sa akin nung nakaraang linggo. Tama, nakaraang linggo. Ni hindi ko nga alam na may ilang araw na pa lang nakalipas ang lahat. Tingin ko dahil sa mga narinig ko nitong nagdaang araw, pakiramdam ko, bahagya akong nawala sa ulirat. Para bang hindi rin ako makapaniwala na may ilang araw na pala ang nakakalipas simula nung mangyari ang lahat.

Ganito ba talaga kalala ang epekto ni Travis sa akin?

"Hoy," panggugulat pa ni Nathalie dahilan upang kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya. "Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ka na naman ba kay Travis, Empress?"

"Paano mo nalamang—"

"Kilalang kilala ka na namin, Empress. Wala ka namang ibang bukambibig kundi siya," pasaring nito sabay irap na ikinabuntong hininga ko na lang. "So, may kinalaman ba si Travis kaya busangot na naman iyang mukha mo?"

"Actually, oo..."

Bahagyang nilapag ni Lucas ang tsaa na iniinom niya bago umayos sa pagkakaupo sa harapan ko. Narito kami ngayon sa cafeteria. Break time kasi namin ngayon kaya naman ngayon lang din kami nagkaroon ng oras na makita ang isa't isa. Actually, nakabreak din si Lucas ngayon sa work niya. Ewan ko lang kung totoo ba talagang naka-break siya o baka naman gumawa lang siya ng paraan para makita kaming mga kaibigan niya.

"Anong meron kay Travis, Empress?" tanong niya, like usual. "Is he tormenting you again?"

"May bago ba roon?" natatawang sabat ni Nathalie na hindi ko kinibo.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko ikinwento sa kanilang dalawa ni Nathalie lahat ng napag usapan namin ni Celeste at Georgina nung nakaraan. Pagkatapos kong ikwento sa kanila ang lahat ay agad akong nag angat ng tingin sa kanila. Ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang mahuli ko silang nagpapalitan ng tingin sa harapan ko.

Na para bang may tinatago na ayaw ipaalam sa akin.

"What are you two doing?" tanong ko nang hindi ko na mapigilan.

"Wala. Nagulat kang kami, Empress," sagot ni Nathalie bago siya sumandal sa kinauupuan niya at nakahalukipkip na tumitig sa akin. "So, sinabi na nila sa 'yo?" tanong niya pa na hindi ko agad na nakuha.

"Anong sinasabi mo, Nathalie?"

"Ang sabi ko kung sinabi na nila sa 'yo lahat?" tanong niya na muling nagpaarko sa kilay ko sa labis na pagkalito sa mga sinasabi niya. "I mean, sinabi na nila sa 'yo na ikakasal—aray!"

Bago niya pa man matapos ang sasabihin niya ay mabilis na siyang tinadyakan ni Lucas sa ilalim ng mesa dahilan upang mapaarko pa ang likod niya sa pagkabigla. Alam ko kung anong ginawa ni Lucas dahil bahagya pang umalog ang mesa nang dahil sa ginawa niya kay Nathalie para lang mapatahimik ito.

"Babaliin mo ba talaga yung paa ko, Lucas?" angil niya habang patuloy sa paghimas sa paa niya. "Kung makatadyak ka d'yan parang hindi tao yung tingin mo sa akin, ah? Ano ka, kabayo?"

"Hindi mo kasi alam lahat ng sinasabi mo, Nathalie," kunot noo niyang sambit kasabay ng titig na may halong pagbabanta na inismiran na lang ni Nathalie.

Gusto ko sana silang kwestyunin pa pero nang muling tumunog ang alarm na s-in-et ni Nathalie kanina ay wala na kaming nagawa pa kung hindi ang magkawatak watak. Oo magkasama kami ni Nathalie sa iisang trabhao pero it doesn't mean na may oras na akong tanungin at guluhin siya ng tungkol kay Travis.

Tulad nga ng palaging sinasabi ni Travis...

"Nandito ka sa kompanya ko para magtrabaho, hindi para dumaldal," ulit ko sa sarili kasabay ng pag ismid.

Sa pag ismid ko ay dumako ang mga mata ko sa opisina ni Travis. Nakabukas ang salamin niya kaya naman tanaw na tanaw ko yung mesa niya mula sa labas, walang katao tao sa loob.

"Ang balita sa baba, may pinaghahandaan yung kambal. Syempre, alam mo na, malapit na ang kasal kaya todo prepare silang lahat," rinig kong saad ni Hudson kausap ang iba pa naming kasamahan sa trabaho. "Kahapon lang, eh, may nakakita na naman kay Travis sa memorial park kasama si Georgina. Ano kaya sa tingin mo yung ginagawa nila roon, 'no?"

"Malamang may binibisitang yumaong kaibigan. Anong tingin mo? Nagpupunta sila sa memorial park para mag ghost hunt?" prangkang sagot ng isa.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga na lang bago nagdesisyong mag iwas ng tingin sa opisina niya at magpatuloy na lang sa trabaho.

Pagkatapos naming mag usap—I mean, pagkatapos ko siyang prangkahin last week, hindi na ulit kami nagkita pa. Pati yung kapatid niya, hindi ko na rin nakita. Ang sabi ni Ma'am Elaine, umuwi raw ang parents ni Travis galing ibang bansa para sa pamamanhikan sa pamilya ng fiance niya. Ang sabi naman nila Hudson, may inaasikaso, probably, pre-nup.

Actually, ako, personally, kailangan ko na ring maghanda. Bukas na ang dating ng parents ko kaya ngayon pa lang...

"Sayang wala ka," saad ko pagkatapos kong pabagsak na nilapag sa malinis na table ni Travis ang letter na ginawa ko kanina. "Hindi ko maipapamukha sa 'yo na ikakasal na talaga ako. Ano, Travis? Ang akala ko ba... gusto mo ako? Ni hindi ka man lang ba gagawa ng way para bumalik ako sa 'yo? Hanggat walang tali, oh? Wala ka man lang bang gagawin, ha?"

"Kapag ba may ginawa ako, babalik ka?"

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses na iyon mula sa speaker. Ramdam ko ang biglaang pag init ng mukha ko, kasabay rin nito ang bahagyang paglaki ng mga mata ko dahil sa takot.

Bakit may speaker sa opisina ni Travis?

Ginala ko ang paningin ko at halos panawan ako ng ulirat nang makita kong may naka install na camera sa gilid na tinakpan lang ng mga librong naroroon sa shelves. Siguro nga ay baka humahagalpak na si Travis ngayon sa kabilang linya kaya para hindi magmukhang nagulat at nahiya sa mga sinabi ko, prente pa rin akong tumayo sa gilid, nang may pagmamalaki sa mga mata ko.

Nandito na tayo, Emoress! Pagtatawanan ka talaga niyan kapag d-in-eny mo lahat ng sinabi mo!

"It's been a week simula nung huli tayong nag-usap. Bakit hindi ka na nagpakita, ha?" tanong ko sa kanya na posibleng pinapakinggan niya na rin ngayon. "Ano, Travis? Natatakot ka na ba? Siguro natauhan ka na sa lahat ng sinabi ko sa 'yo, ano?"

"Why, Empress? Are you looking for me?" tanong niya, bakas ang ride at sarkasmo sa boses niya.

"Excuse me?"

"Are you looking for me, Empress, kaya ka nandito? Siguro you're checking kung kailan ang balik ko, 'no? Bakit?" tanong niya pa na ikinatangis ng bagang ko. "Nami-miss mo na ba ako?"

"Hah! Feeling!"

Bahagya siyang napahagikgik sa kabilang linya kaya naman mas lalo lang akong nangilabot. Tumatawa si Travis at ako ang dahilan kaya siya tumatawa ngayon!

Am I a joke to him, then?

"Huwag kang mag alala, Empress. May inaasikaso lang kami ng pamilya ko," madilim niyang saad na inismiran ko. "Pagkatapos ko rito, babalikan kita."

He sounds mapagbanta, ha?

Sa kawalan ng isasagot sa kanya wala akong ibang nagawa kung hindi ang umismid na lang bago ko tinuro ang papel na nilapag ko sa mesa niya.

"Magli-leave na ako ngayon, Travis. Just like you, may aasikasuhin din kami ng parents ko. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong aasikasuhin namin, ha?" tanong ko na hindi niya kinibo. "Aasikasuhin lang namin yung kasal namin ng fiance ko—"

"Yung lalaking ipinagkasundo sa 'yo ng parents mo?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Paano niya nalamang ipinagkasundo ako? Sinabi ba ni Lucas at Nathalie sa kanya lahat ng sinabi ko sa kanila about sa arrange marriage?

"Paanong—"

"Alam ko," sagot niya na ikinatikom ng bibig ko. "Huwag kang mag alala, dahil pagkatapos ng lahat ng ito, hinding hindi ka na makakawala sa kamay ko kahit na anong gawin mong paglayo," dagdag pa niya.

What is he saying?

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon