CHAPTER 9

35 1 0
                                    

Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Nathalie. Ni wala nga akong ideya sa kung bakit ganito na lang ang lumalabas sa bibig nila. Para bang sa oras na masira ang araw nila, para bang ako ang dahilan.

Ano bang problema ng mga tao ngayon?

Hindi ko na pinansin kung ano pa ang sinabi ni Nathalie. Instead of asking her, agad na lamang akong tumakbo patungo sa corridor upang maabutan ko si Travis. Katulad nga ng palagi kong nasasaksihan sa tuwing dadaan siya sa corridor, kabi-kabila na ang nakikita kong mga mata ng mga estudyanteng may paghanga sa kanya.

Sino ba namang hindi nagkakagusto sa kanya?

Matalino. Gwapo. Malinis sa katawan. Bookworm.

Halos lahat na yata ng magandang ugali ng isang lalaki, nasa kanya na. Alam kong lahat halos ng mga estudyanteng nag-aaral dito sa Southville ay may lihim na gusto sa kanya. Iyon nga ang isa sa hindi ko maintindihan.

Bagay naman kaming dalawa, hindi ba? Halos pareho lang naman kami. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit tila ba asiwang asiwa siya sa akin kahit na wala naman akong ibang ginagawang masama.

Oo palagi kong sinisira ang araw niya, pero hindi naman siguro mako-consider iyon na... masama, hindi ba?

"Travis!" tawag ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "Travis!"

Minsan hindi ko siya maintindihan. Bakit niya ako pinapalayo kay Lucas? Bakit pati best friend ko, dinadamay niya? Wala ba siyang nagawang maganda sa buhay niya at bakit pati buhay ko ay pinapakialaman niya? He told me na nagseselos siya. For what, then? Ang akala ko ba wala siyang gusto sa akin?

"Travis!" sigaw ko pa. "Anong sinasabi mo kanina? Anong... ang tanga ko?"

Ginagawa niya ba ang lahat ng ito dahil gusto niya talaga ng pinapaikot ako? Nabubuo ba ang araw niya kapag pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko para sa kanya?

Hindi naman ako tanga at mas lalong hindi naman ako ignorante para hindi maintindihan ang sinabi niya kanina. Oo, medyo slow learner ako pero... parte naman siguro ng buhay iyon, hindi ba?

Alam ko ang pagkakaiba ng mga taong nagsasabi ng totoo at sabmga taong nagsisinungaling. Madali lang namang makita kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo sa hindi.

Base sa mukha niya kanina, alam kong nagsasabi aiya ng totoo at hindi talaga siya nagsisinungaling. May parte sa akin ang nagsasabing huwag maniwala sa kanya, pero may parte rin naman sa akin ang umaasa na sana totoo ang sinabi niya. Hindi ko alam pero tila ba may nag-uutos sa akin na habulin siya, o komprontahin, o tanungin siya tungkol sa sinabi niya kanina.

Hindi ko alam pero tila ba naniniwala ako sa sarili kong kailangan ko siyang kausapin upang mabigyan ng linaw ang lahat. Hindi naman sa umaasa ako. Gusto ko lang namang lusawin yung mga bagay na naglalaro sa isip ko ngayon na pwedeng gumulo sa akin mamaya, o bukas, o sa mga susunod na linggo.

Gusto ko lang namang malaman kung may nararamdaman ka sa akin. Aminin ko man o sa hindi, gusto ko nang mag-move on sa 'yo. Palagi mo na lang sinisira ang araw ko sa tuwing iignorahin mo ako. Gusto kong... malaman kung worth it ba lahat ng pagpapapansin ko sa 'yo.

Gusto kong malaman kung para saan yung mga mixed signals na ipinapakita at ipinaparamdam mo sa akin dahil... sa totoo lang napapagod na ako.

Pagod na akong umasa sa wala. Gusto ko ng assurance. Gusto ko ng pag-amin mo dahil sa totoo lang, nagsasawa na rin ako sa paghahabol sa 'yo.

Ni hindi ko nga alam kung worth it nga ba ang lahat ng ito.

"Travis, ano ba!" sigaw ko.

Mabilis ko siyang hinawakan sa kamay dahilan upang bahagya pa siyang natigil sa paglalakad bago kunot noong bumaling ng tingin sa akin. Hindi tulad kanina, wala ng gaanong estudyante rito sa gawi namin kaya naman kahit na papaano ay naging kampante ako.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon