Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko naiwasang bahagyang matawa. Hindi naman nagbago ang reaksyon niya sa harapan ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang muling matawa.
Be my date, my ass. May sinasabi pa siyang tomorrow!
Is he that complacent na sasama ako sa kanya at pagbibigyan ko siya sa mga kagustuhan niya? Ano siya, sinuswerte?
"What made you think na sasama ako sa 'yo, Travis?" tanong ko sa kanya bago humalukipkip at mapaglarong ngumiti na hindi niya naman kinibo. "Alam mo, tantanan mo na nga 'yang mga ganyan mo, okay? Nagpapakatao akong pumunta rito kaya magpakatao ka rin. For the nth time, Travis, hindi ako nakikipagbiruan. I want you to sign my excuse letter—"
"Excuse letter," he echoed na para bang kahiya-hiya yung tawag ko sa piraso ng papel na iyon.
Mabilis na nag-init ang mukha ko nang dahil sa ginawa niya kaya naman mabilis ding naglaho ang ngiti sa labi ko lalo na nang makaramdam ako ng pagkapikon sa sinabi niya.
"E 'di leave note! Ang laki ng problema mo, ah?" singhal ko na ikinaangat lang ng labi ng hayop na 'to. "Sign my leave note nang matapos na 'to!"
"I already told you, Tyler. You are not allowed to leave, especially now na marami kang hinahabol na trabaho," sagot niya bago siya sumandal sa kinauupuan niya na inismiran ko naman. "If you really want to leave, then tanggapin mo na yung inaalok ko sa 'yo. Be my date. Just one night. Pagkatapos no'n, pwede ka nang umalis kahit na kailan mo gustuhin," dagdag pa niya.
Be my date, or...
"Are you blackmailing me just to date you?" singhal ko na ikinataas ng kilay niya. "Travis, kailan ka ba talaga titigil? Kailan mo ba ako tatantanan? Are you trying to make me suffer dahil sa mga ginawa ko sa 'yo noon? You're being childish now! Nakakasawa ka!"
"You are free to decline my request, Empress. I'm not forcing you na sumama sa akin," sagot niya bago mapagmalaking ngumiti sa akin na sininghalan ko. "At isa pa, I'm not doing this just to score a date kasama ka. Ginagawa ko 'to para may makasama ako sa event na dadaluhan ko bukas. Gaya nga ng sinabi ko kanina, you are free to decline—"
"At kapag tinanggihan ko, hindi pa rin ako pwedeng mag-leave?" patanong kong sagot na ikinaangat ng labi niya. "You're a pain in my ass, Travis. Alam mo ba iyon?"
Sa halip na sumagot ay bahagya niya pang kinagat ang labi na para bang natutuwa na siya na naiimbyerna na ako ngayon sa harapan niya. This is fucking driving me crazy! Kung alam ko lang na ganito pala ang ugali ng tukmol na 'to, e 'di sana nung una pa lang, tinantanan ko na siya? May pa-cold treatment-treatment pa siyang nalalaman, may kagaguhan din pala ang hinayupak.
"Hindi ba't may asawa ka na? Why don't you ask her? Alam ko naman na may oras para sa 'yo si Georgina kaya huwag mo na akong guluhin sa buhay ko—"
"We are not yet married, Empress," sagot niya sa malamig na tono na inismiran ko. Here we go again sa litanya niyang 'yan! "And we're not getting married. Hindi matutuloy ang kasal ko sa kanya," dagdag pa niya.
What?
What the fuck did he just say?
Agad na namilog ang labi ko nang dahil sa pagkabigla. Bago pa man mapansin ni Travis ang gulat sa reaksyon ko ay mabilis na akong umayos sa pagkakatayo sa harapan niya. Narinig ko ba nang maayos yung sinabi niya? Malinaw ba yung narinig ko?
Hindi matutuloy ang kasal niya kay Georgina. Ibig bang sabihin nito...
"Hindi sila ikakasal," saad ni Nathalie na hindi ko na nagawa pang sundan.
Narito kami ngayon sa coffee shop sa tapat lang ng building kung saan kami pumapasok. As usual, busy na naman ang coffee shop. May kanya-kanyang grupo ang ilan sa mga customer na naroroon at kabilang na kami roon nila Lucas.
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...