Babalikan niya ako?
Bahagya akong napangisi sa sarili ko nang muling umugong sa tenga ko lahat ng salitang pinakawalan niya nitong nakaraan. Babalikan niya raw ako. Hindi niya ba alam na ikakasal na ako sa ibang lalaki pagbalik ko sa trabaho? Pagkatapos sasabihin niya babalikan niya ako?
Ano? Gagawin niyang kabit ang sarili niya?
"Kailan ka pa naging gago, Travis?" tanong ko sa sarili bago umismid.
Napunta ang titig ko kay Kuya Lucho na ngayon ay walang ibang nagawa kung hindi ang naiiritang tumitig sa sapatos niyang may magkaibang kulay ng medyas. Narito kami ngayon sa airport para sunduin ang parents naming galing pa ng Barcelona para lang umuwi sa kasal ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali kaya magkaibang medyas ang suot niya. Mukha tuloy siyang tanga sa ayos niya.
"Ang sabi ko kasi sa 'yo, ayusin mo na yung medyas ko bago pa man tayo umalis, Faye—"
"Bakit parang kasalanan ko pa na magkaiba iyang medyas na suot mo?" reklamo kong balik sa kanya. Pinagtitinginan na kami ngayon dahil sa ginagawa niyang pagpadyak sa sahig. "Hindi ba dapat ikaw na ang nag aayos niyan? Ano? Hindi ka sanay na pinaglilingkuran ng mga yaya mo?" dagdag ko pang pang iinis.
Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang umismid sa akin. Kung galit siya ngayon dahil magkaiba ang kulay ng medyas na suot niya, mas galit ako ngayon dahil sa mga salitang binitiwan ni Travis na paulit ulit na umuugong sa isip ko. Para bang mas lalo lang akong masisiraan ng bait lalo na sa tuwing iisipin ko ang tungkol sa bagay na iyon.
Babalikan, my ass. Tingin niya ba babalik ako sa kanya? Pagkatapos ng lahat ng traumang binigay niya sa akin dati, tingin niya, babalik pa ako sa kanya?
Kahit na gusto ko siya ngayon o kahit na patay na patay ako sa kanya dati, hinding hindi ko na siya babalikan kahit na anong mangyari!
"Alam mo, Faye, nakakalimutan ko yung inis ko sa 'yo sa tuwing maaalala kong ikakasal ka na kay Chester," aniya dahilan upang kunot koo akong bumaling ng tingin sa kanya. Ang ngiti sa labi niya kanina ay bahagyang naging tipid nang makita niyang wala ako sa mood. "Oh, bakit nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na uuwi na sila mama?"
Obviously, bobo kong kapatid. Hindi tungkol sa parents natin o sa the fact na ikakasal na ako sa lalaking hindi ko man lang nakilala kaya ako nakasimangot ngayon! Nakasimangot ako dahil naiinis ako! Naiinis ako dahil d'yan sa pesteng Travis na iyan!
"Hindi dahil do'n kaya ako nakasimangot ngayon," tanggi ko na ipinagkibit balikat niya na lang. "Naiinis lang ako."
"Dahil ba sa ikakasal ka na kaya ka nagkakaganyan?" tanong niya na hindi ko kinibo. "Huwag kang mag alala dahil mabait naman si Chester. Well, hindi naging maganda yung una niyong pagkikita dati pero... nagbago na siya ngayon." Bahagya siyang natawa na inismiran ko. "Nabalitaan ko na best daw siya sa batch ninyo kaya alam kong bagay kayong dalawa. Matalino siya, tapos ikaw, well... a bit bobo," biro niya.
Galit akong bumaling ng tingin sa kanya dahilan upang natatawa siyang magsuko ng kamay. Bago ko pa man siya mabira ay nagmamadali na siyang nagpaalam na umalis upang magtungo sa comfort room. I don't know, baka magpapalit ng medyas?
"Well, well, well, Empress Faye," saad ng isang pamilyar na boses sa likuran ko dahilan upang bahagya pa akong mapabuntong hininga bago kunot noong lumingon sa kanya.
Nakita ko si Celeste na ngayon ay malawak na nakangiti habang may buhat na aso. Dachshund iyon na kulay black. Medyo makintab ang buhok ng asong iyon at halatang alagang alaga. Nawala sa asong iyon ang tingin ko nang natatawa iyong hinimas ni Celeste sa ulo dahilan upang bumaling sa kanya ang maliit na alaga.
"Empress, this is Empress. Empress, this is my dog, Empress," pakilala niya sa aso dahilan upang sarkastiko ang mapasinghal. Lumingon sa akin si Celeste at matamis na ngumiti. "Anak siya ng aso kong si Faye before. Pasensya ka na kung sinunod ko sa pangalan mo yung aso ko. Mukha ka kasing aso at pang aso naman talaga iyang pangalan mo."
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
Storie d'amoreEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...