CHAPTER 24

36 2 0
                                    

Why is he asking me? Of course, I'm fucking okay!

May posibilidad nga ba na nag-aalala siya sa akin?

Pakiramdam ko ay may mga paru-parong paulit-ulit na lumilipad sa sikmura ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam pero tila ba kinikilig ako sa itinanong niya sa akin. God, Empress! Ano 'tong nararamdaman ko ngayon?

Why is he asking me?

"W-What do you mean?" nalilito kong tanong.

Kunot noo siyang nag-iwas ng tingin kaya naman hindi ko naiwasang pagmasdan ang itsura niya. Kagabi ay hindi ko man lang nakita nang buo ang mukha niya nang dahil sa labis na iritasyon. Tila ba ngayon ko lang nakita ang mga galos na nasa mukha niya.

Ang sabi ni Nathalie ay nakipagsuntukan daw si Travis kagabi sa dance floor. Imposible namang humatak lang siya ng kung sino sa loob at sinuntok niya nang walang dahilan, di ba? And besides, mukha namang wala siyang kilala sa bar kagabi. Kung may kaibigan nga siya roon o kung talagang may sinadya siyang puntahan doon, then I think hindi naman siya gagawa ng eskandalo.

Knowing him, isa sa mga kinaaayawan ni Travis ay yung mga eskandalo—eskandalosang katulad ko, so imposible talaga na humanap siya ng gulo roon kagabi nang walang dahilan.

Ayaw niya pala sa eskandalosa, pero bakit nandito ako ngayon?

"Hindi ka ba marunong sumagot, Empress?" singhal niya dahilan upang mas lalo lang magsalubong ang mga kilay ko nang dahil sa labis na kuryoso sa inaakto niya ngayon sa harapan ko. "Tinatanong kita kung okay ka lang. Hindi ka ba marunong sumagot sa tanong? Talagang inugali mo na ang magbalik ng tanong, ah?" aniya niya pa na animong iniinsulto na naman ako.

Jusko, Travis, ang aga-aga! Ni hindi pa nga ako nag-aalmusal! Pinatawag niya ba ako rito para pakainin ng mga insulto niya? Ito na ba ang almusal ko ngayong araw?

"Of course, I'm fucking okay!" singhal ko sa kanya.

Agad na kumuyom ang kamao ko nang dahil sa labis na pagtitimpi. Unti-unting bumaba ang mga mata niya sa kamay ko at agad na lumitaw ang ngisi sa labi niya nang makita niya iyon.

Kung hindi ko lang talaga siya boss, baka kanina ko pa binasag ang mga ngipin nito sa kakasuntok.

Pasalamat ka't gwapo ka. Kung hindi lang talaga ako nanghihinayang sa mukha mo, baka inubos ko na iyang mga ngipin mo.

Agad akong natigilan sa pag-iisip ng kung ano ano nang marahan siyang bumuntong hininga at humalukipkip sa harapan ko. Lumapit siya sa direksyon ko habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang manatili sa kinatatayuan ko, sa harap niya mismo.

"I'm just asking you. Bakit mo ba ako pinagtataasan ng boses?" mahina niyang sambit bago siya sumandal sa harap ng mesa niya. "Iyan ba ang mga natututunan mo sa boyfriend mo, Empress?"

Boyfriend? Anong boyfriend ang sinasabi niya?

Sa halip na sagutin siya sa mga insulto niya, taas kilay ko lang na pinanatili ang postura ko sa harapan niya. Ni hindi ko man lang ipinahalata sa kanya na napipikon na ako sa usapan naming dalawa. Bakas kasi sa mukha niya na mukhang nasisiyahan siya sa tuwing nakikita niya akong seryoso at napipikon sa mga sinasabi niya.

Mukha siyang demonyo na animong tuwang tuwa sa tuwing makikita niya akong napipikon sa mga salitang sinasabi niya.

"Bakit mo naman tinatanong at tsaka ano namang pakialam mo?" singhal ko sa kanya bago ko ginaya ang postura niya sa harapan ko. "Ganito kami kung mag-usap ni Lucas. Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin ba nasasanay sa relasyon naming dalawa?" tanong ko pa patungkol sa pagkakaibigan naming dalawa ni Lucas.

ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon