Ako, magseselos?
Sa kanila?
Asa siya!
Sino ba siya sa inaakala niya?
Ako?
Magseselos?
Bahagya akong natawa nang muli na namang umugong sa alaala ko ang sinabi niya kanina. Magseselos? Ako?
"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Travis, para isiping nagseselos ako sa inyong dalawa ni Georgina," dismayado ko pang sambit sa sarili bago muling natawa sa sarili ko. "Magseselos ako sa inyo? Eh, kahit na maghalikan kayong dalawa sa harapan ko, wala akong pakialam sa inyong dalawa," dagdag ko pa.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang opisina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na siyang wala rito. Ni hindi ko na nga matandaan kung bakit niya pa nga ako iniwan dito sa loob ng opisina niya. Wala naman siyang ibang sinabi sa akin kung hindi ang tapos na ang usapan naming dalawa. Wala rin naman siyang sinabi na hintayin ko siya rito sa loob ng opisina niya kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nga ba naririto pa rin ako hanggang ngayon.
Nakapasok na ako sa opisina niya dati kaya naman hindi na bago sa akin at sa paningin ko ang lugar na ito. Tulad ng nakagawian, kabi-kabila na naman ang mga librong nakita ko sa paligid kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso na lang.
"Talagang isinapuso mo na 'yang pagiging bookworm mo, ah?" may paghanga kong sambit bago naramdaman ang pag-angat ng labi ko para sa isang ngiti.
Nagtungo ako sa bookshelves niya upang pagmasdan ang mga librong naroroon. Bahagya rin akong natigilan sa pagtitig sa mga librong iyon nang muli kong makita ang mga librong pamilyar sa alaala ko.
Iyon ang mga librong madalas niyang basahin sa classroom noon, yung mga librong nahuli kong binabasa niya noon.
Alam kong tungkol sa business ang librong iyon pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mapaisip sa kung ano nga ba ang laman ng librong iyon. Hindi naman siguro tungkol sa business ang kabuuan ng librong iyon, hindi ba? I mean, hindi puro business lang ang laman tulad ng utak ni Travis? Siguro naman ay may kainte-interes sa laman ng librong iyon para makuha no'n ang atensyon ni Travis.
Ginto pa man din ang atensyon ng hayop na 'yon.
Bago pa man ako mahuli ni Travis na sumisilip sa mga libro niya, dali-dali ko nang kinuha ang librong iyon at agad na hinalungkat ang laman. Mukha akong tangang espiya na naghahanap ng ebidensya sa paraan ng pagbuklat ko sa bawat pahina ng librong kinuha ko sa estante.
"Ano 'to?" tanong ko sa sarili nang makita ko ang isang picture na nakaipit sa librong iyon. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang picture na iyon. "Sandali nga lang..."
Mas lalo lamang nangunot ang noo ko nang makita ko ang sarili ko sa picture na iyon. Mag-isa lang akong nakaupo sa ilalim ng punong naroroon. Nakasuot ako ng PE uniform at kung hindi ako nagkakamali, ito yung time na tinamaan ako ng bola sa ulo at siya ang may kasalanan sa kung bakit nagkabukol ako sa ulo nung mga panahong iyon.
"Siya ba ang may kuha nito?" tanong ko sa sarili habang kunot noong pinagmamasdan ang itsura ko sa larawang iyon. "Pasikreto niya ba akong kinukuhanan nang hindi ko nalalaman?"
Base sa mukha ko sa picture, mukhang wala akong kaalam-alam na may palihim na pa lang kumukuha ng mukha ko sa malayo. Nang sandaling binaliktad ko ang picture, mas lalo lamang nangunot ang noo ko nang makita ko ang nakasulat sa likuran no'n.
'The girl I dream of. You are my one and only butterfly'
"What are you doing here?" rinig kong boses niya mula sa labas ng pintuan ng opisina niya.
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...