"Believe me, Empress. Hindi mahirap mahalin si Travis."
"Gusto ko siya, Empress."
"Mahal na mahal ko si Travis."
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit ngayon. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero bakit ganito ang epekto sa akin ng mga salitang binitiwan niya? Mahal niya si Travis. Mahal nila ang isa't isa. May laban ka ba roon?
Ramdam ko ang pag-ukit ng ngiti sa labi ko nang dahil sa narinig ko mula sa kanya. Mula sa babaeng mahal na mahal ni Travis. Nang makita ni Georgina ang ngiting iyon, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapangiti at mapailing na lang.
Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Nagseselos ba ako?
"And alam kong mahal din ako ni Travis..." dagdag pa niya.
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya upang hanapin ang singsing na kapareho ng suot ni Travis ngunit agad na nangunot ang noo ko nang hindi ko man lang makita iyon. Nung nakaraan lang ay kumalat ang balitang nag-away silang dalawa.
Posible nga ba na galit siya kaya hindi niya iyon suot ngayon?
"This is nonsense," saad ko dahilan upang bahagya pang mawala ang ngiting nakaukit sa labi niya. "Kung mahal mo si Travis, bakit sinasabi mo sa akin ang lahat ng ito? Nagmamalaki ka ba, Miss Salazar?"
"W-Wait," natatawa niyang sambit na ikinaangat ng kilay ko. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Empress—"
"Kung mahal mo siya, e 'di isaksak mo siya sa baga mo," singhal ko pa bago ako tumayo at umalis sa lugar na iyon.
Mula sa malayo ay rinig na rinig ko ang mga tawag sa akin ni Georgina na binalewala ko na lang.
Inimbitahan niya ba ako para lang doon? Para lang ipagmalaki sa akin na mahal siya ni Travis at nagmamahalan silang dalawa. What the fuck was that? Alam niya ba ang history naming dalawa kaya ganito na lang siya kung makapag salita?
Mukha nga siyang anghel pero may taglay din pala siyang kademonyohan.
Pumara lang ako ng taxi sa labas at hindi ko na namalayan ang sarili kong nagpababa sa firing range kung saan kami madalas na mag-eensayo ni Lucas. Wala siya roon. Ang sabi ng mga personnel na naroon ay nasa Laguna raw si Lucas. Sa halip na pagtuunan pa ng panisn ang tungkol sa mga balita nila sa akin, nagdesisyon na lang akong itutok ang baril na hawak ko sa target na nasa malayo.
Halos napatalon ang lahat ng naroroon nang dahil sa magkakasunod na putok ng baril na ginawa ko. Halos madurog na rin ang target na nasa malayo nang dahil sa panggigigil ko sa pagpapaputok dito.
Marahil nga ay galit ako. Hindi ko nga lang alam kung bakit nga ba ako nagagalit. Galit ba ako sa sarili ko? Galit ako kay Travis? Kay Georgina? Hindi ko alam.
"M-Ma'am, chill lang tayo," natatawa ngunit may bahid ng takot na sabi ng officer roon nang pabato kong inilagay sa table ang baril na ginamit ko. "Madudurog niyo ang target niyan, eh."
"One more round," utos ko na marahan niyang ikinabuntong hininga bago siya sumunod sa utos ko.
Hindi ko alam kung ilang beses akong nanatili sa lugar na iyon. Hindi ko na rin mabilang kung ilang target na nga ba ang napulbos ko nang dahil sa labis na galit ko. Surprisingly, hindi ako umiyak. Hindi ko alam. Siguro ay galit lang ang nararamdaman ko. Para nga ba kay Georgina? I don't know. Baka sa sarili ko.
"Galing ka raw sa firing range?" natatawang tanong ni Lucas sa kabilang linya nang sinagot ko ang tawag niya. "Lahat ng personnel roon nagulat kaya bago ka nila pinapasok, tinawagan pa muna nila ako. Ni wala kang appointment, Empress..."
"Pati ba naman firing range ipagdadamot mo sa akin, Lucas?" reklamo kong singhal na tinawanan niya. "Gusto mo bilhin ko pa iyang firing range niyo..."
"Easy, Empress. Mukhang wala ka sa mood ngayon, ah?" natatawa niyang pang singhal. "Anong dahilan kung bakit ganyan ang mood mo ngayon? May nangyaring masama ba sa best friend ko? Siguro... may kinalaman na naman ito kay Travis, ano?"
Nang dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ng walang kwentang lalaking iyon, wala akong ibang nagawa kung hindi ang magtaas ng kilay. Mas lalo lang ding nagdilim ang mga mata ko habang nakatitig sa tv. Narito na ako ngayon sa condo ko nang sandaling tumawag sa akin si Lucas. Actually, nakalimutan ko na yung tungkol sa nangyari. Si Lucas lang naman ang animong interesado sa bakulaw na iyon.
"Hindi ka nagsalita, it means oo," natatawa niya pang sambit na inismiran ko na lang kahit na alam kong hindi niya nakikita ang reaksyon ko. "Ano na namang ginawa mo kay Travis this tine?"
"At talagang ako pa ang may ginawa sa kanya, Lucas? Seryoso ka ba?" singhal ko na tinawanan niya na lang. "Alam mo, sa susunod ka na lang tumawag. Nakakasira ka ng gabi. Alam mo ba iyon?"
Bago pa man siya makapagsalita, mabilis ko nang pinatay ang tawag. Alam ni Lucas na naiinis ako ngayon kaya naman hindi na siya gumawa pa ng paraan para inisin pa laloako.
Pagkatapos naming mag-usap ni Georgina kanina, ni hindi na rin ako nagdesisyon pang bumalik sa trabaho kanina. Like, anong gagawin ko roon? Baka nga dumiretsyo pa iyon sa opisina para lang hanapin ako pagkatapos ko siyang iwanan.
Ano nga bang ikaka-benefit niya nung sinabi niya sa akin ang tungkol sa bagay na iyon? Yes, they love each other! Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan niya pang i-brag ang tungkol sa bagay na iyon. Iniisip niya ba na gusto ko ang asawa niya? Fuck her.
Kinabukasan ay tila ba mas lalo lamang akong nawalan ng ganang pumasok sa trabaho. Wala rin namang sense kung sakali mang pumasok pa ako. Baka nga inaabangan pa ako ni Georgina roon kaya... no thank you.
Papasok ako kung kailan ko gusto, at isa pa, wala na akong pakialam kahit na ma-AWOL ako. In the first place, may balak naman talaga akong umalis sa trabaho ko. Nagpasa na ako ng resignation letter nung una pa lang na hindi naman tinanggap ni Travis kaya... para saan pa? Tanggapin niya man o hindi, wala na akong pakialam doon. Wala akong pakialam kahit na mabahiran ng dumi yung credentials ko. In the first place, si Travis naman talaga ang may mali sa aming dalawa. Like, bakit mo pupuwersahin ang isang tao na magtrabaho sa 'yo gayong ayaw niya na nga?
Oo may mali ako dahil nag-apply ako pero... si Nathalie ang may kasalanan kung bakit ako nag-apply sa punyetang company na iyon. Kung nung una pa lang sinasabi niya na sa akin na si Travis ang may-ari no'n, e 'di sana ay hindi na ako nagbalak pa na mag-apply!
Hindi ko alam kung ilang araw na akong hindi pumapasok sa trabaho. Mag-iisang linggo na yata. As usual, panay na naman sa pagtawag sa akin si Nathalie. Wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang paulit-ulit akong paalalahanan na may trabaho ako at nakabinbin na ang lahat ng iyon sa mesa ko. Kung makapagsalita, akala mo, siya ang nagpapasuweldo sa akin. Ni minsan ay hindi ako lumabas sa condo ko dahil natitiyak kong makakasalubong ko si Travis sa labas kung sakali mang lumabas ako, at alam kong nariyan lang siya sa tabi-tabi.
Natatakot akong magkrus ang landas naming dalawa dahil alam kong kukwestyunin niya lang ako.
Pirmahan mo na kasi yung resignation letter ko at nang makaalis na ako sa bansang ito, Travis!
"Pinirmahan niy ba ang resignation letter mo?" tanong ni Nathalie sa kabilang linya na alam kong nagtitimpi lang sa mga ginagawa ko. "Answer my fucking question, Empress!"
"Hindi! Hindi pa! Hindi ko alam," sagot ko na ikinahinga niya nang malalim. Marahan kong sumandal sa couch at napanguso sa mga naiisip. "Hindi ko nga alam kung pipirmahan niya pa ba iyon o ano."
"Kung hindi niya pa pinipirmahan, then bakit absent ka na naman?" sigaw niya pa na inismiran ko na lang.
Pasado alas otso na ng umaga. Sa katunayan nga ay inaantok pa ako. Nagising lang ako nang dahil sa tawag ni Nathalie. Kung makapagsalita, akala mo siya ang nagbabayad sa mga ipinapasok ko.
"Diyos ko, Empress, anong petsa na!" galit niya pang singhal dahilan upang bahagya ko pang inilayo ang tenga ko sa cellphone na hawak ko.
This is one of the reasons why hindi sila magkasundo ni Lucas.
Demanding masyado, wala naman sa hulog.
"Alam mo namang kulang na kulang na kulang tayo sa oras, hindi ba? Habang nagsisiyesta ka dyan sa lintik mong lugar, nagpapaka pagod kami rito nang dahil sa 'yo! Hindi lolobo ang trabaho namin nang ganito kung hindi lang dahil sa 'yo, Empress! Hirap na hirap kami nang dahil sa ginagawa mo!" sigaw niya. "Umalis ka anng hindi man lang magpapaala sa kung saan ka pupunta! Ang akala namin kinidnap ka na! Nag-alala rin sa 'yo si-"
"Nathalie, relax..."
"Relax mo mukha mo!" saad niya pa na inismiran ko na lang. "Grab your things, ayusin mo ang trabaho mo, at bukas na bukas din pumasok ka na! Maawa ka naman sa grupo mo! Maawa ka kay Georgina dahil siya ang naiipit sa 'yo!"
Huh?
Ano namang kinalaman ng babaeng iyon sa akin? As far as I know, hindi naman siya nagtatrabaho kay Travis.
"Anong sinasabi mong kay Georgina?"
"Pumasok ka nang malaman mo!" sigaw pa niya bago niya ako tuluyang pinatayan ng tawag.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumimangot bago ako nagdesisyong manatili sa couch na kainauupuan ko habang iniisip ang tungkol sa napag-uspaan namin ni Nathalie. Ano namang kinalaman ni Geogrina sa hindi ko pagpasok sa trabaho?
Even so! Eh, ano naman ngayon kung hindi ako pumasok? Kung nahihirapan siya, then she fucking deserves it!
Nang dahil nga sa boredom sa pananatili sa condo ng halos isang linggo, doon lang ako nagpasyang umalis dala ang pouch ko. May isang linggo na rin akong hindi nakikipag-usap kung kani-kanino, maliban kay Kuya Lucho na walang ibang ginawa kung hindi ang sirain ang araw ko, kay Nathalie na wala na sa lugar ang pagiging demanding, at kay Lucas na... okay naman.
Deserve ko naman siguro ng break kahit na hindi ko na priority ang work ko ngayon.
"Thank you," sagot ko sa waiter na kumuha ng order ko.
Sa huli ay nagpasya na lang ako na manatili sa coffee shop na iyon. Medyo malapit lang ito sa tinitirahan ko kaya naman hindi na hassle para sa akin ang magpunta rito. This is my first time here. Ang sabi nila ay doktor raw ang nagpapatakbo ng coffee shop na ito kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong humanga sa kung sino man iyon. Isipin mo, busy ka sa work mo sa hospital pero nagagawa mo pa ring mag-manage ng isang maliit na coffee shop.
"Here's your order, Ma'am," ani ng server bago niya ibinaba sa mesa ko ang chocolate drink na inorder ko. "Enjoy staying here po," ngiti pa nito bago ito nagdesisyong umalis at tuluyan na akong nilubayan.
Medyo cute ang designs ng choco drink na binili ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapanguso na lang bago ko nilabas nag cellphone ko at p-in-icture-an ko na lang iyon. Wala naman sigurong makakapansin kung... ipo-post ko iyon sa social media accounts ko, hindi ba?
Ilang minuto pa akong nanatili sa coffee shop na iyon habang abala sa pagi-scroll down sa viewers ng post na ginawa ko. Agad na umangat ang kilay ko nang makita ko ang dalawang pamilyar na pangalan na naroroon.
Si Nathalie at si... Travis?
"Kailan pa natutong gumamit ng social media account yung lalaking iyon?" bulong kong tanong sa sarili bago ko tinapos ang drink na iyon.
Abala pa rin ako sa pags-scrolldown nang tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa pinto palabas. Nawala lang ang titig ko sa phone ko nang bumangga ako sa dalawang babaeng nakatayo sa harapan ko.
"Nice seeing you here, Empress," ngiti sa akin ni Georgina nang nag-angat ako ng tingin sa kanya.
May kasama siyang babae at doon ako bunaling ng tingin. Nakatitig lang sa akin ang babae. Hindi ko alam pero tila ba pamilyar sa akin yung babaeng iyon. Para bang nakita ko na siya dati, hindi ko lang maalala kung saan at kung paano ko nga ba siyang nakilala. Pinagmamasdan niya lang ako magmula ulo hanggang paa na para bang humahanap ng ikalalait ko.
Sino ka nga ba?
"Oh," usal ko na lang.
"So, ito iyon?" taas kilay na tanong ng babae sabay duro sa akin nang bumaling siya kay Georgina. "Ito na iyon, Georgina? Seryoso ka ba? Seryoso ba kayo ng kapatid ko?" dagdag pa nito na animong hindi makapaniwala.
Sa halip na sumagot ay nanatili lang ang mata ko sa kamay niya. Agad na umangat ang kilay ko nang makita ko ang singsing ni Georgina na suot niya.
Teka, engagement ring nila 'yon ni Travis, hindi ba? Bakit ang babaeng ito ang may suot ng singsing na iyon?
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...