Unang apak ko pa lang sa department ay ang makahulugang tingin agad ni Nathalie ang nakakuha sa atensyon ko. May larong umuukit sa labi niya nang dumako roon ang tingin ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang bago ako nagtungo sa mesa ko.
"Good morning, Empress Faye—"
"Walang maganda sa araw ko, Nathalie," sagot ko sa kanya na natatawa niyang inilingan lalo na nang pabagsak kong inilagay sa mesa ang bag na dala ko. "Umalis ka kung ayaw mong masabon yang budhi mo."
"Seryoso ka? Hindi ba talaga maganda ang araw mo o baka nasira lang dahil sa kanya?" tanong niya patungkol kay Travis na hindi ko sinagot. "At nasaan nga ba siya? Bakit hindi kayo magkasamang pumasok?"
Agad na nakagat ni Nathalie ang dila niya nang pumasok si Travis. Tulad ng nakagawian niya na, madilim ang titig niya sa akin nang magkrus ang mata naming dalawa. Naroroon na naman ang galit na hindi ko alam kung saan nga ba nanggagaling. May ginawa na naman ba akong labag sa kagustuhan niya? Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Pakiramdam ko palagi na lang mali lahat ng ginagawa ko sa tuwing siya ang kasama ko.
Bakit nga ba kasi sobrang perpekto niya para sa akin?
"Good morning, Sir," bati ni Nathalie na tinanguan niya bago siya lumingon sa akin.
"Magkita tayo before lunch," paalala ni Travis.
Nang hindi ako sumagot sa kanya, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga bago niya ako iniwan sa mesa ko. Mapaglarong bumaling ng tingin sa akin si Nathalie kaya naman natitiyak kong ako na naman ngayon ang pupuntiryahin niya.
"Anong nangyari sa inyong dalawa kanina?" tanong niya na hindi ko muling kinibo. Kumuha siya ng upuan at agad na naupo sa gilid ko na animong naghihintay sa ikukwento ko sa kanya. "Anong pinag-usapan niyong dalawa kanina? Sinundo ka niya, hindi ba? Imposible naman na wala kayong pinag-usapan, Empress. Anong... pinag-usapan niyong dalawa?"
"Wala ka na roon," sagot ko sa kanya bago umismid dahilan upang marahan niyang hampasin ang balikat ko. "Ano ba, Nathalie, bakit nananakit ka?"
"Spill mo na kasi yung tea, Ate," aniya na muli kong inirapan. "Anong pinag-usapan niyong dalawa? Imposibleng hindi ka niya kinibo!"
"Wala naman kaming ibang pinag-usapan aside sa namamagitan sa aming dalawa ni Lucas. Ano? Masaya ka na ba sa narinig mo?"
Kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya nang dahil sa sinabi ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.
"May... relasyon kayo ni Lucas?"
"Wala!"
"Pero ang sinabi mo kanina—"
"Hindi!" singhal ko na ikinanguso niya. "Magkaibigan lang kaming dalawa ni Lucas. Walang namamagitan sa aming dalawa, okay?" Pansamantala akong sumandal sa upuan ko bago nag-iwas ng tingin sa mga mapanuring mata ng kaibigan ko. "Hindi ko alam kung bakit. Palagi niyang sinasabi sa akin na may relasyon kaming dalawa ni Lucas kahit na wala. Ilang beses ko na ring sinabi sa kanya na wala kaming relasyon, pero... hindi siya naniniwala sa akin."
"Seryoso ka?" tanong niya.
"Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo naintindihan, Nathalie?"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Empress!" singhal niya bago siya umusog palapit sa akin. "Bakit palagi niyang kinukwestiyon ang relasyon mo kay Lucas?"
"Iyon nga ang hindi ko alam, Nathalie. Makinig ka nga kase!"
Bahagya siyang umayos sa pagkakaupo at muling ngumiti nang nakakaloko sa akin.
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomanceEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...