Mula sa pwesto ko, amoy na amoy ko ang mint mula sa chewing gum na nginunguya niya. Medyo madilim sa departamento. Nakapatay na halos lahat ng ilaw at ang computer lang na nasa harap namin ang kaisa-isang bagay na nagbibigay liwanag sa mesa namin.
Dahil nga sa paminsan-minsan akong nawawala sa katinuan nang dahil sa presensya niya, minsan ay siya na halos ang gumagawa sa trabaho ko. Alas kwatro na ng madaling araw ngunit sa halip na umuwi, nandito siya sa gilid ko. Minsan nga ay nahihiya na ako dahil mukhang nahihirapan na siya sa pwesto niya. Sa halip kasi na ako ang magtrabaho, siya ang naririto. Siya ang nagpapatuloy sa trabahong ako dapat ang tumatapos.
"Kumportable ka ba sa posisyong iyan?" tanong ko sa kanya nang hindi na ako nakapagpigil pa. "I mean, hindi ka ba... nangangawit."
"Nangangawit, but I'm okay," sagot ni Travis habang nananatili pa ring nakatutok sa computer screen.
Paminsan-minsang sumasagi ang braso niya sa braso ko. Minsan ay tumatagal pa iyon doon kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso. Hindi na rin naman pumasok sa isip ko ang magreklamo dahil... sino pa nga ba ako para magreklamo, hindi ba?
Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumalikod siya sa akin upang humikab. Doon ko lang napagtanto na mukha ngang wala siyang tulog ng araw na 'to.
"Kung pagod ka na, pwede ka namang matulog. Ako na ang magtutuloy rito," saad ko bago ko sinubukang agawin sa kamay niya ang keyboard na hindi niya naman binigay. "Travis..."
"Ako na ang bahala dito," aniya bago muling nagpatuloy sa pagtipa.
Marahang bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa mouse at sa keyboard. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumuso lalo na nang makita ko ang bahagyang paglabas ng mga ugat sa kamay niya nang dahil sa ginagawa niyang pagtitipa.
Doon ko lang napagtanto na medyo malaki nga ang pinagbago ni Travis. Kung dati ay wala akong masyadong nakikitang ugat sa kamay niya, ngayon naman ay... hindi ko na mabilang pa ang ugat na mga iyon. Ang sabi nila ay nakukuha raw ito ng lalaki sa pag... nevermind.
Agad na bumaba ang tingin ko sa singsing na nasa daliri niya. Sa unang tingin ay parang normal lang itong singsing. Silver ang kulay nito at may infinity symbol sa gitna. Napapaligiran ng diyamante ang infinity symbol na iyon kaya naman hindi ko naiwasang mapanguso. Isang silip pa ang ginawa ko at halos humaba ang nguso ko nang makita ko ang pangalang nakaukit sa gilid nito.
GAILE
"Gaile siguro ang second name ni Georgina?" bulong ko sa isip bago umismid. "Georgina Gaile? Ang bantot ng name."
"Anong iniisip mo?" baling ni Travis sa akin na halos ikasimangot ko pa.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umismid sa kanya bago ko bahagyang tinulak ang upuan niya palayo sa akin.
"Pwede bang umusog ka kahit kaunti lang?" reklamo kong singhal na mas lalo lang ikinakunot ng noo niya. "Hindi ako makahinga sa mint na nasa bibig mo!"
Pansamantala pa muna siyang tumalikod sa akin bago siya bumuga ng hangin sa palad niya at agad iyong inamoy.
Muli siyang lumingon na pasikreto kong inismiran.
"Hindi naman mabaho yung hininga ko, ah?" aniya.
"Wala akong sinabing mabaho ang hininga mo," singhal ko bago siya muling tinulak. "Kaya ko na 'to, Travis. Umuwi ka na muna."
"Pinapalayas mo ba ako?"
"Wala akong sinabing ganoon!" napipikon kong saad bago tuluyang nagbuntong hininga at sumuko sa pagiging makulit niya. "Okay, fine. Kung iyan ang gusto mong gawin, then go. Wag kang magrereklamo sa akin na pinagod kita o hindi naman kaya ay ikaw ang tumapos sa trabaho ko, ah? In the first place, ikaw ang nagpumilit na tapusin iyan—"
BINABASA MO ANG
ETERNAL SERIES: Marry Me, Travis!
RomantikEmpress Faye Tyler wholeheartedly accepts her parents' will to marry the man she never met just to convince Chester Travis Bonifacio-the man who breaks her heart into pieces-that she is no longer in love with him. She had no idea that the man she wa...